Thursday, June 30, 2011

B 11 "You'll be my valentine '97"

Mon, February 15, 2010 5:17:52 PM
Re: Fw: my diary/lyrics-song book- (B11 - you'll be my valentine '97)




dear diary,


mukhang wala kang kagana ganang magsulat tungol sa valentine's day nyo ah... nakausap ko minsan si marites sa facebook at sabi gawan nila ng facebook si kuyang romy para mas madali ko syang kausap.. pero nasira ata yong computer nila noong ondoy kaya bibili pa daw siya... baka kailangan magusaid ka muna para makabili kaagad ng laptop..yan ata ang uso ngayon eh....

sabi ni marites lahat daw silang magkakapatid ay nasa facebook na... pero yong iba di naman active katulad ni casey... pero yong mga apo ko sa pamangkin sa manila, at yong mga apo ko sa pinsan sa capiz at yong mga acejas sa zamboanga medyo active din sila... may nasa riyad pa nga akong naka usap na acejas from zamboanga... natutuwa naman sila kasi isang pamilya lang sila ng acejas doon... naisulat na nga noong isa sa kanila yong origin ng family nila doon... lumalabas yong anak ni rafael acejas fom zambo na nagreview for cpa sa caloocan noon ay nasa california ngayon...

yong isa ngang taga capiz na pinsan ng mga apo ko doon nakita yong song na sinulat ko at inilabas sa fb.. paulit ulit ang title.... nagustohan niya ito at kinopya niya sa fb niya.. kasi pang valentine's day daw talaga...pero actually, nandito siya sa arizona ngayon... sabi niya, lo ang cheezy naman ng song nyo...swack na swack para sa araw ng mga puso...sabi naman ni joann ni winnie, naiintriga na raw sya kung ano daw ang sound ng mga kanta ko... sabi ko naman puede naman niyang lagyan ng sarili nyang melody yong mga lyrics ko eh... mukhang di daw niya kaya... si jun chan ang tinuturo niya..

kaya ayon... nakalipas ang valentine's day.. ibang experience dahil sa facebook... dito mukhang kulang na tayo sa communication... pati sila josie at george parang wala nang ganang makipag kwentohan.. ganong lang ty sa valentine's greeting ang email.. no more no less..

syanga pala, nakausap mo na ba si ate ine lately.. bago magpasko ay natawagan namin kasi naoperahan siya sa balikat... nagkaroon ata sya ng pain doon...binalita sa amin dito...pero ok naman sya... sila regie at sonia hindi din kumikibo sa mga emails ko.... mukhang mas gusto nila yong tahimik na buhay malayo sa mga problema sa ibang mga kamaganak... ay naku buhay nga naman... siguro silang mga kakapatid ay close naman pati sa mga pamangkin nila....

ok sige, baka nakakaabala lang ako... siguro next greetings natin happy easter naman...

regards,

bomboy

No comments:

Post a Comment