Sunday, June 26, 2011

Birthday greetings sa tita Baby, Search for your Dreams CD.

Sent: Monday, November 26, 2007 1:35 PM
To: MVChanPhishUK@aol.com
Cc: HonorAves@aol.com; jpv27@earthlink.net
Subject: Re: happy birthday !!!

dear marivic,

ang bilis mo din nasagot itong email ko. halos magkasunod lang kayo ni
tita honor. nauna lang siya ng ilang minuto. di bale, ipababasa ko itong
sulat mo kay tita babes mo. kami dito sa kwarto panay na ang pagpatutog
ko noong cd noong mga christmas songs na sinulat ko na may copyright
noon 1993. pero yong copyright sa cassette tape pa lang yon. last year
pinacopy ni rafael sa cd at noong minsang nakausap ko si justine sabi
niya na nakikinig daw siya sa radio doon sa mga kantang gawa ko. yon
pala pinatutugtug niya noon yong cd na binigay ng papa niya na "search
for your dreams." ito nga yong album ng mga songs na sinulat ko noon.
christmas at inspirational songs at version ng "Our Father."

sabi nga noong isang araw ng tita babes mo bakit daw malulungkot ang mga
kantang pamasko. sabi ko yong gawa ko masasaya... tulad noong "christams
bells" na kinata ni kuya bobot costo mo. parang Elvis at rock n' roll
ang dating. kung marunong akong comopya nito sa computer sana
maduduplicate ko itong cd na ito para mabigyan ko ng kopya yong
lahat ng gustong humingi.

isa sa mga nagsponsors ng cassette recording nito noon sila tita josie at uncle
george mo. kaya nabigyan ko sila ng copy noong cassette.

nakakatuwa din pakinggan yong "pagdumarating na ang pasko" at " sana
naman pagdating ng pasko"... problema lang, ako lang yata yong may
gustong makinig sa mga kantang ginawa ko. pero nakakabusog damdamin din
na pati si justine ay nakikinig na rin dito. tatlong kanta din kasi ang
kinanta ng papa niya sa album na ito. akala nga niya yong babaeng
kumanta sa album ay mama niya. mga kaklase kasi nila raf at butch sa UST
ang kumanta dito at gumawa ng mga nusical arrangements noong mga
kanta... nasali na rin sila bobot at mario costo at yong isang kasama ko
sa opis. sila yong nagtapos sa dalawang huling songs. yong " I will keep
on loving you (christmas time and new year too)" at yong "christmas
bells."

ang ilang lines ng kantang pagdumarating na ang pasko-

"paglumalamig na ang simoy ng hangin
mararamdaman mo nang ang pasko'y dumarating.
pagdumarating na ang pasko giliw ko
kay sarap ng magisip ng saya at pagibig.

ang pasko ang naging saksi
ng ating pagmamahalan,
kaya naman buong siglang,
hinihintay ito hirang."

halos gabi-gabi pinakikinggan namin ito mga dalawang ulit tapos
sinusunod na namin yong romantic piano cd na ibinigay mo sa amin noon
yong nagisstart sa "besame me mucho." yong spanish songs ni kokoy laurel
medyo parang nasira doon pa naman sa "somos novios."

o sige, sa susunod na lang ulit at mahaba na ito.

love,
uncle

No comments:

Post a Comment