Saturday, June 25, 2011

wedding of bing and jo and reunions

                                         
                                          mini reunion in fairveiw with lola Juana as special guest...
                                        

dear diary,


maraming salamat sa gift na pinadala nyo ni george kila bing at
joanna... maayos naman ang naging kasal nila at halos puro kamag-anak
naman at ilang close friends nila at namin ang nandoon... sayang at sila
tia juana at kuyang romy ay hindi nakarating...

isang buwan din kami doon at sa bahay nila butch at rap sa pasig kami
tumuloy... pati sila bing at joanna at si aljon ay doon din tumuloy...
doon kaming lahat sa air con room nila butch natutulog dahil sa sobrang
init...

pagkatapos naming namanhikan sa mga magulang ni joanna ay nagtuloy
naman kami sa gen malvar kasi sabi nila bing ay darating noong gabi yoon
si tessie galing sa munoz... si joe lang ang dinatnan namin at sabi niya
kinabukasan pa ang dating ni tessie at netty...

hindi na kami nagkita nila tessie kasi hindi na kami nakabalik sa gen
malvar kinabukasan kasi dumating naman sila ate aurora at sila winnie
at joan sa pasig at pagkatapos ay tumuloy kami nila ate aurora sa heart
center noon gabi para dalawin si kuyang salvador sa icu kasi nagcell
phone si ate zeny nastroke ulit si kuyang salvador...

dumating naman sila perlynn at lizzie 3 days ata bago ng kasal at sa
umali sila nagtuloy... gabi sila dumating at kinabukasan ay inimbita
namin sila na sa pasig na sila mananghalian... pero halos alas dos na ng
hapon sila dumating doon nila ate aurora... hindi na kami nagkaroon ng
panahon na magorganize ang mini reunion kaya kami kami na lang ang
nandoon kasama si linda na missis ni kuyang romy at si blandy na anak ni
kuyang ben.... si kuyang romy ay hindi nakasama at napuyat dahil
nagkuwentuhan ata sila nila perlynn sa umali hangang alas 3 ng umaga...

muntik na ngang hindi makarating sa kasal si baby kasi naiwan niya yong
damit niya sa pasig noong umalis kami doon para pumunta ng umali... buti
na lang at bago mag alas 12 ay napansin niya na hindi pala niya dala
yong damit niya kaya si rap ay bumalik pa sa pasig para kunin yong
damit....kaya medyo na delay ng kunti yong kasal... noong dumating kami
sa simbahan ay matagal nang naghihintay yong pamilya nila joanna at yong
mga taong dadalo sa kasal pati na yong mga ninang at ninong...

ang nag proxy kay beth na ninang din ni bing sa binyag at si joan na
missis ni winnie chan.... mabuti naman at siya ang pinag proxy ni beth
kasi at least napilitan siyang mag attend ng kasal at magkaroon na
chance na ma meet ang ilang kamag-anak ni winnie na hindi niya na meet
noong kasal naman nila....

ang nagproxy naman kay reggie ay si ate aurora kasi bilang hindi
nakarating si gigi na anak ni doring kasi nabangga ata yong kanyang
kotse isang araw bago ng kasal...

ang proxy naman ni doring ay si sorcio hernandez na pinsan nila kuyang
romy... ninong naman siya noon kasal nila butch at rap....
ang proxy naman ni boy paulino na hindi din nakarating ay si amang
paulino na ninong din nila butch at rap sa kasal nila...

ang naging sorpresa sa kasal ay ang pagdating ni kuyang salvador at ate
zeny sa simbahan... tuwang-tuwa nga kami kasi talagang pinilit ni kuyang
salvador na makarating kahit na kalalabas lang niya sa heart center nong
gabi bago ng kasal... nandoon din sila sa reception....

tapos noon wednesday naman na sumundo ay dumalaw naman sila sa pasig
kasama si ate zeny at yong anak nilang si badong at dalawang apo...
nagkataon naman na nandoon din si ate aurora na dumating naman bago mag
alas 12.... buti na lang at may cell phone yong mga tao sa bahay kaya
naitext naman nila si baby na wala doon kasi maraming pinupuntahan at
inaasikaso noong mga araw na iyon... kaya nakauwi din siya sa pasig

bago pa dumating sila kuyang salvador at nagkapaghanda naman ng kunting
merienda para sa kanila....

noong june 23, ay nagpunta kami sa bahay nila sorcio sa fairview dahil
naghanda siya para sa birthday niya noong june 22... nadoon din sila ate
aurora at perlynn at lizzie.... gabi na kami umuwi... at bago kami umuwi
ay niyaya naman namin sila perlynn doon sa bahay namin sa fairview...

sabi ko nga sa kanila ay doon kayo nagkaroon ng mini reunion noong isang
uwi nyo nila george at pati si tia juana ay dumating noon... ang
nakakahiya kila perlynn at lizzie ay yong dumating kami sa bahay ay
walang ilaw kasi naputulan pala sila ng kuryente dahil hindi nabayaran
yong meralco kasi walang nakatira ngayon doon...

nakabalik kami dito sa georgia linggo ng hapon... naiwanan pa nga kami
ng connecting flight namin sa detroit kasi matagal naming nakuha yong
mga boxes namin sa terminal at nagtagal din kami ng kunti doon sa
customs area... buti naisakay kami doon sa sumunod na eroplano papuntang
atlanta....

o sige na muna at mahaba na ito...

regards,
bomboy

No comments:

Post a Comment