Aking Munting ala-ala para sa tatay ko, the late lolo Badong, SR.., sa araw ng
mga tatay,
letra ni lolo bomboy
ang ama ko ay tahimik at mabait na tao
pero di niya hinayaan na ako ay mag-abuso
sa tuwing nakita nya na ako'y may ginawang
pagkakamali
sa ka-ukulang parusa hindi sya kahit minsan
nag abtubili
ang ama ko ang nagpumilit
na mag-aral ako ng katekismo,
sya din ang pumilit sa akin
na magsimba tuwing linggo,
at tuwing panahon na sasapit
na muli ang pasko,
sa simbang gabi sya din ang
nagpupumilit na isama ako...
ang ama ko ay magaling ang kamay
magdibuho
mga kamisita namin nilalagyan
nya ng mga monogramo
tinutulungan nya ako sa pagkopya
ng mga retrato
na pinagagawa sa amin ng aming mga
maestro
sya din ang nag-aayos ng mga
sinusulat ko
kasi magaling din sya mag english,
yan ang totoo
kaya sa bahay sya ang naging
matiyagang tagapagturo ko
kaya sa katagalan ay natoto din
akong magsulat at magsalita sa
wikang ito
chorus:
noong ako ay nag repaso para sa
eksamin sa pagka abogado
pinaki-usapan ko ang nanay ko
kung puede akong bantayan ng ama ko
para nang sa ganoon maging tahimik
doon sa buong paligid ko
kaya ganoon nga ang nangyari at
matiyagang sinamahan ako ng ama ko
kaya naman di lang ako nakapasa,
naging number 10 pa ako...
kaya bale nakamit ko lang ang
karangalang ito
dahil sa tulong sa akin ng
nanay at tatay ko
By: Lolo Bomboy
19 June at 00:59 ·
No comments:
Post a Comment