Wednesday, June 29, 2011

Pag aalay ko ang mga titik ng Gawad Alumni Hymn sa aking mga magulang at kay Ka ART Madulid

dear diary,

siempre alay ko rin ang mga titik na iyan sa mga magulang na sila the late spouses Salvador B. Acejas,Sr.at Florentina J. Acejas, at sa lahat ng mga kapatid at ibang kamag-anakan ko na nagtapos din sa romblon high school, at alay ko na din yan sa mga classmates ko sa rhs class 58... again, thank you very much...Ver más




syanga pala, alay ko din itong himig ng gawad alumni sa kaibigan kong si ka art p. madulid, ng penaranda, nueva ecija, na nagturo sa akin kung papano sumulat ng himig ng kanta...kund hindi dahil sa kanyang pagtuturo sa akin, hindi ako natoto kailanman na sumulat ng lyrics at melody ng isang kanta... maraming salamat sa yo ka art....

......



share ko lang itong development na ito sa inyo...ito na siguro ang pinaka makabuluhang yugto sa buhay ko bilang isang manunulat ng kanta kahit na ang involved dito ay yong lyrics lang kasi wala akong facilities dito para mairecord ko yong melody na nag guide sa akin sa pagsulat ng lyrics na ito...

noong magsimula akong mag-aral way back 1989 na sumulat ng kanta sa ilalim ng matiyagang pagtuturo sa akin ng matalik kong kaibigan na si ka art p. madulid ng penaranda, nueva ecija, hindi ko naisip na darating ang panahon na ang matototonan ko ay mapapakinabangan ko sa pagsulat ng mga kanta na may kahulugan di lamang para sa hometown at home province ko sa romblon, kundi pati na rin para sa aking alma mater na romblon high school, at classmates ko sa rhs class 58, at ngayon naman ay tungkol sa isang parangal sa mga outstanding alumni ng nasabing alma mater ko...



at sa paraang ito, ay nagkaroon ako ng magandang pagkakataon na ialay itong naisulat kong lyrics sa aking mga yumaong mga magulang para kahit papano ang ala-ala nila ay manatili sa kaisipan ng mga taga romblon, romblon....at bilang pagtanaw ng malaking utang na loob, ay nagkaroon ako ng pakakataon na ma-ialay ko din ang lyrics na ito kay ka art p. madulid...




noong nag-aaral pa ako sa high school sa romblon, ang taga correct ng mga drafts ng aking mga oratorical pieces ay si papa, at sya ang number one fan ko tungkol dito... si mama ay parang kunwari ay di masyadong interesado pero alam ko na proud din sya sa akin tuwing mananalo ako sa mga oratorical contests tulad ng sa "voice of democracy, I speak for democracy" oratorical contest kung saan ako ay naging regional finalist... kahit na bisaya ang dating ng english ko...ganoon din ang tuwa ni papa noong manalo ako sa boy scouts oratorical contest hanggang sa provincial level at ako ang naipadala sa manila para sa national contest... sa mga contests na ito, ang mga naging kalaban ako ay mga taga ateneo at de la salle at iba pang mga sikat na schools sa pilipinas... biruin mo, isang taga romblon high school versus students ng ateneo at de la salle...


naaalala ko pa rin noong ako ang manalo sa "the world we want" essay writing contest na sponsored noon ng New York Herald tribune, isang worldwide essay writing contest... yong essay ko ang napili sa high school level, provincial level, at naging one of three national finalists ako representing the public high schools, at tatlo din ang napili from the private schools... yong finals ay personal interview lang na ginawa ng isang panel of three sa loob ng american embassy sa manila... 4th year high school na ako noon... naalala ko pa nga na ang nanalo at napadala sa USA noong time na yon ay isang babaeng nag-aaral sa stella maris college sa quezon city

noong binuksan ako ni jun at marivic ng facebook, hindi ko naisip na ito pala ang magiging daan para ma realize ko yong pangarap ko na makagawa ng isang project para nga ma-alala ng mga taga romblon, romblon sila mama at papa...although naisulat ko na sa aking diary yong plano kong magisip ng isang project para sa purpose na iyan...dahil sa mga pictures na nakita ko sa facebook, ay nakaisip ako na sumulat ng mga kanta tungkol nga sa romblon... yong first na naisulat ko noong april 2010 ay yong song na "romblon, romblon, my home sweet home..."




noong matapos ito at maipost ko sa aking facebook, tinanong ko ang sarili ko kung kaya ko pang magsulat ng isa pang kanta na tungkol din sa romblon, romblon, pero kung saan ko maisasali yong buong province of romblon... kaya naisulat ko naman yong "the marble isles..." noong may 2010...na parang isang expession ng aking desire na bumalik sa romblon, kung kailan at kung alin ang mga places doon ang pupuntahan ko...at kung saan sa chorus ay sinali ko lahat ng mga islands doon sa province na part ng "the marble isles" at yong gusto ko ring puntahan...





tapos, bago magtapos ang may, yoon nga tinanong ko ulit ang sarili ko kung puede pa akong sumulat ng isa pang kanta tungkol ulit sa romblon, romblon... kaya sabi ko, " i don't know if i can write another song about my hometown, i don't know if i can but i will surely try, could there be something else i still haven't said, to show how beautiful my hometown of romblon really is..." kaya naisulat ko yong "romblon is a town really worth living in..." end of may 2010...ang original title nito ay "another song about my hometown..."




tapos, na isip ko na bigyan ng tribute yong dalawa kong successful na mga kaklase, yong isa ay may beach property sa romblon, at yong isa ay may mansion sa isang barangay doon na nasa bundok...kaya naisip ko isali itong mga bagay na ito dito sa song na ito...



tapos, na-alala ko hindi pala ako naka attend noong golden jubilee reunion noong rhs class 58 namin, kaya naisip ko na sumulat ulit ng isang kanta na may kinalaman sa romblon high school at sa aming rhs class 58... kaya naisulat ko yong " a golden jubilee song for rhs class 58..." kung saan sinabi ko: "romblon high school i think is one of the best high schools in the world, for one its idyllic location defies description in every sense of the word, alumni who've passed through its portals have made a name for themselves, in the fields of endeavor they've chosen or other causes they've decided to serve..." noong june 2010 ito...ang original title nito ay "still another song about my hometown..."
                                             



at nasundan pa yan noong tagalog song ko na "romblon, ikaw lang ang mahal ko..." ang original title nito ay "ngayong malapit na muling sumapit ang pasko...." october 17, 2010 ang date ng song na ito na naisulat ko habang pabalik balik ako sa pagtapon ng karton sa basurahan....noong matapos akong magtapon ng karton sa basura after so many balik balik maghapon, natapos ko na rin yong lyrics nito...

at yon nga, after a week or so, kinausap ulit ako ng mga nag mamanage ng romblon high facebook kung puede daw akong sumulat ng lyrics para sa magiging "jingle" nila para sa gawad alumni award 2010 nila...noong una ay parang alanganin ako at tumanggi ako actually... pero this time, on second thought, sabi ko ipadala nila sa akin lahat ng materials nila tungkol sa project na ito...noong mapag-aralan ko ang mga ito, ay naisip ko okay sa tingin ko kaya ko ito kasi may pagbabatayan na ako ng lyrics... at yon nga naisulat ko yong "gawad alumni award hymn..." at pinadala ko ito sa kanila... tinagalog na nila ang title at ginawa nilang "himig ng gawad alumni..."at pinalitan din nila yong first line ng last stanza ko kung saan sinabi ko..."ikaw ang nahirang na gawad alumni awardee sa taong ito..." ang nilagay nila ay.."ikaw ang nahirang na pinarangalan ng gawad alumni sa taong ito..." okay na rin sa akin yan...

happy thanksgiving in advance sa inyong lahat,

bomboy

No comments:

Post a Comment