something i have in common with pres cory aquino and mrs john mccainby Lolo Bomboy on 30 May 2010 Sunday at 02:41
a remembrance of my association with FACES (foundation for active christian evangelization and service) from 1986 tom1997 when i retired from my law practice... i belong to rhs class '58... I humbly dedicate this picture to the memory of my loving parents, the spouses Salvador B. Acejas, Sr. and Florentina J. Acejas of romblon, romblon, and to the people of romblon town and province whose support and patronage of the Madrid Store which my mother operated in romblon, romblon enabled my parents to send their children to college so they could secure a better life for themselves and their own children....by lolo bomboy, sports editor, "The Marble", rhs class 58...something i have in common with pres cory aquino and mrs john mccain...Compartir. Lunes, 05 de Abril de 2010 a las 01:40 a.m.
Sent: Friday, October 24,2008
Subject: Re: Mother Teresa
dear diary,
noon isang beses sabi ko sayo na susulat ulit ako tungkol sa isang bagay
na meron kaming something in common ni mrs mccain. na interrupt lang ito
noong sarah palin episode na napasukan ko dahil nga doon sa go obama
email ni josie.
anyway, nahanap ko na yong copy ko noong newsletter namin noon na Let's
Face It... sa foundation for active christian evangelization and service
(FACES) kung saan isa ako sa mga founders at naging secretary ako nito.
kaya nga noong minsan na nagbibiruan kami noong mga kaibigan ko dito
natanong nila ako kung ano ang dati kong ginagawa sa pilipinas. sabi ko
tulad ni obama, isa rin akong community organizer, kaya lang ako
documented yong mga activities ko bilang community organizer.
kasi nga may newsletters kami kung saan nakasulat yong mga actiivities
at projects namin. at nakapagsulat din ako ng isang libreto tungkol sa
pagkanta sa saliw ng minus one tape, kasi yong karaoke minus one
ang uso noon sa mga sing-along clubs.
at saka naka compose din ako ng ilang mga christmas at inspirational
songs na na iparecord namin sa isang cassette album na pinamagatang
"Search for your Dreams". naging sponsor pa nga din dito sila josie at
george.
ngayon, naipaconvert na ni raf ito sa isang cd na puedeng iparecopy sa
computer. naiparinig ko na nga itong cd na ito sa dalawa kong kakilala
dito at natuwa naman sila kahit di nila naintindihan yong mga tagalog
songs doon.
meron ding kami yong tinawag naming christmas for indigent children
"fun" drive na kung saan nagdidistribute kami ng mga piggy banks na
pinuno ng mga kasapi sa loob ng isang taon at dinidistribute namin ito
sa mga orphanages at ibang charitable institutions.
noong 1986 fun drive namin, nagdala kami ng mga piggy banks na yan sa
missionaries of charity sa tayuman, tondo, manila. at nagkatoon nandoon
si mother teresa. at siya mismo ang sumalubong sa aming grupo.
at siya ang nagsuggest na magpakuha kami ng group picture doon sa office
nila habang yong mga piggy banks at mga used clothings at ibang regalo
ay nakalagay doon sa la mesa na nasa harap namin. naipublish namin ang
picture na ito sa mga leading newspapers sa pilipinas tulad ng manila
bulletin at inquirer.
di lumipas ang isang linggo, nagpunta din si pres cory aquino doon sa
lugar ni mother teresa at nagkuhanan din sila ng pictures na lumabas din ito
sa mga dyaryo. pero siempre, nasa front page nakalagay ang mga ito..
yan ang one thing in common namin nila pres cory aquino at ni mrs mccain
kasi si mrs mccain ay nameet din niya in person si mother teresa at
inadopt pa nga niya yong isang batang inaalagaan ni mother teresa noon.
malaki na yang batang iyan ngayon at nakita ko siya kasama doon sa gop
convention.
kung hindi naman kalabisan, baka maipadala ko dyan yong copya noong
issue ng newsletter namin kung saan lumabas din yong picture namin nila
mother teresa.
kung baga, yan lang ang pinakamalaki kong karangalan sa buhay na minsan
ay nakadaop palad ko kahit papaano si mother teresa sa mundong ito.
ewan ko kung napansin nyo noong nagpunta kayo doon kila butch sa pasig
na doon sa kwarto sa third floor merong malaking picture frame doon
kung saan nakalagay sa gitna yong picture namin nila mother teresa.
ang sabi sa amin ni butch napansin daw ni tita perlynn yong picture
natin noon sa project 6 noong meron tayong club noon sa avenida rizal at
si ate minda ang president. kasama ito doon sa picture frame na ito.
historical figure na nga si mother teresa at baka maging santo pa balang
araw ng catholic church. kaya magandang remembrance para sa akin ang
picture na ito na nagpapatunay na minsan ay nakasama namin siya.
regards,
bomboy
No comments:
Post a Comment