Sun, November 22, 2009 12:44:11 AM
fw happy thanksgiving
From: bomboy
dear diary,
sayang at hindi mabuksan ng webtv dito yong pinorward mo na happy
thanksgiving email. siguro colored itong email na ito kaya hirap na
hirap ma-access ng webtv ito.
pero, sigurado ako na ito ay isang magandang pagbati tungkol sa darating
na thanksgiving day kaya maraming salamat sa nasabing pagbati. ganoon
din, happy thanksgiving day sa inyong lahat at doon sa mga nasa
provident village at iba pa nating kamag-anak at mga kaibigan at mga
kakilala sa metro manila.. dahil silang lahat ay nakaligtas sa naging
malaking pagbaha noong nakaraan ilang buwan ay meron talaga tayong
lahat na mahalagang bagay na dapat pasalamatan sa thanksgiving day.
at idagdag pa natin dyan yong pangyayari na si tia juana ay nagcelebrate
kailan lang ng kanyang ika isang daang taong kaarawan ay talaga naman
na marami rami talaga tayong lahat na dapat pasalamatan sa araw ng
thanksgiving.
isa pa dito yong tatlong taon na ngayon ang nakalilipas mula noong ako
ay nagkaroon ng open heart surgery kung saan ako ay nagkaroon ng
quadruple by-pass. isa pa itong malalim na dahilan para kami at sana
pati kayo kung inyong mararapatin ay malugod na magpasalamat sa Poong
Maykapal sa araw ng thanksgiving day.
mara-rami pa tayong iba't ibang blessings na natanggap nitong taong ito
na dapat din nating pasalamatan sa nasabing araw. siguro hindi na natin
kailangang ilista pa ng isa isa ang mga blessings na ito. pero
sigurado ako na lahat tayo ay marami pang mga bagay bagay na dapat
pasalamatan sa Panginoon hindi lang siguro sa thanksgiving day kundi
pati na rin sa araw araw ng ating buhay.
ganoon pa man, happy thanksgiving sa inyong lahat. sana maging masaya at
memorable ang araw na ito para sa ating lahat.
regards,
bomboy
No comments:
Post a Comment