Thursday, June 30, 2011

Elliot is Home!

Tue, February 9, 2010 12:20:40 PMRe: Elliot is Home!





dear diary,

ngayon bakit di mo iask si elliot na sagotin yong english portion ng sulat ko... after all, ako nirequest mo na sulatan ko siya ng english na welcome home letter... ako pinagbigyan ko yong request mo at half of the way... di biro lang....

pero sabihin mo na totoo lahat yong mga sinabi ko doon... kasi talagang namimiss ko na yong buhay noong araw bago mangyari ang 9/11... ang hirap yong susundo ka sa airport at doon ka lang sa labas maghihintay... at ganoon din yong maghahatid ka... dati doon mismo sa loob ng airport at sa may pintuan ka naka upo habang naghihintay sa darating na mga pasero at ganoon din kung naghahatid ka, kausap usap mo yong hinahatid mo doon sa waiting area for boarding hanggang pumasok na siya doon sa pinto patungo sa eroplano...

ninakaw sa atin yan ng mga kalaban ng kapayapaan at katahimikan... ginawa nila tayong isang bansa ng mga takot na mga mamamayan... ni hindi natin alam kung sino ang ating katatakotan... o pagkakatiwalaan...

sila elliot lang at ang kanyang mga kasamahan ang puedeng sumipil sa ganyang mga kasamaan... buhay nila ang tinataya nila para sa ating lahat bago makarating ulit dito ang lihim nating kaaway... sana magtagumpay sila ellito at ang kanyang mga kasamahan sa lalong madaling panahon... mabuhay kayong lahat ellito at sana ay pagpalain kayo ng Poong Maykapal...maraming salamat ulit....

regards,

bomboy...

No comments:

Post a Comment