Mon, February 15, 2010 5:56:54 PM my diary/lyrics-song book- (B11 - you'll be my valentine '97)
denar diary,
ang napansin ko, mas mahirap pala itong computer magpadala ng simultaneous email sa maraming addressees.. di tulad sa webtv, punta ka lang sa address file, tapos click mo lang ng click yong mga pangalan... sa computer, twing clikc mo sa isang name, nawawala yong address list... kya click ka naman para lumabas yong listahan... kaya paulit ulit, isang pangalan isang click... kaya yong clicks na gagawin ko kasing damit noong mga names na padadalhan ko... wala bang mas madling paraan para dito...
na miss miss ko na tuloy yong webtv ko... ewan ko lang kung magseservice pa sila once na nagawa na yong repairs doon sa bahay nila tess... kasi parang paubos na ang sales ng webtv units... o wala nang binibentang units... sana naman maibalik namin yong service ko para maretrieve ko yong mga files ko doon.... sayang naman kasi parang naging diary ko na din yon...
nagsnow dito the day before valentine... medyo matagal tagal din... pero next day medyo nagmelt na yong snow at ok na yong mga roads...ok naman yong valentine's day namin dito.. naging ibang experience kasi naishare ko yong mga lovesongs ko para kay baby sa facebook... at yong isa, yong paulit ulit, ay nagustohan naman noong isang batang babae na friend ko na bale pinsan buo ng mga apo ko sa pinsan sa capiz... pero siya ay nasa arizona ngayon... sabi nya, lo, ang cheezy naman ng kanta nyo...kokopyahin ko sa wall ko...teacher ata sya sa arizona, galing capiz...swack na swack daw para sa araw ng mga puso yong song ko...
kaya ayon, may pakinabang na din yong ilang songs na nisulat ko noon.... may ilan din tao na appreciate ito... kahit pa isa isa, masarap din ang pakiramdam ko.... nakakatuwa... sabi nga nong isang kaibigan nila allan sa pilipinas, papa daig nyo pa ninoy aquino... sabi ko sobra ka naman... sabi niya kasi si ninoy daw may lovesong din para kay cory... pero si jomari chan daw ang gumawa noong song... sabi ko naman, yong akin para sa missis ko, ako mismo ang nagsulat... yong title naman nong song ay "today"...
today,the seas can all run dry...
but love will teach us not to cry..
things could hurt we know.once in a while...
but there's joy that we can share all the time...
today, the world can stop to turn...
but you and i won't be afraid...
cause by now we know love's on our side...
there's no need for us to run nor to hide...
by now we know our love is true...
and so.we know the light is shining through...
by now we know our love is true...
and so the light is shining through...
today the sun can stop to shine...
but you... can look into my eyes..
then and there you'll see the glow of love...
and the world will be so bright in your eyes..
by now we know our love is true...
and so we know.the light is shining through...
by now we know our love is true...
and so the light is shining through...
and so the light is shining through...
kaya kakaibang experience din yong naranasan ko nitong nakaraang valentine's day...tawa naman ng tawa si baby... kasi yong isang kanta ko pa para sa kanya for valentine's day ay "i will love you forever.." and title... pero next time ko na padadala ang lyrics nito sa inyo...
sana na appreciate nyo din yong kanta kong "today.." honestly, hindi ko na marecall kung paano ko naisip isulat ito... pero ako mismo medyo natatouch pagkinakanta ko ito.... napakalungkot noong dating noong kanta... nakaka-antok talaga... pang matanda talaga... kaya siguro naeenjoy ko ito...
o sige, kamusta na lang sa inyong lahat dyan.. kung makausap nyo si ate ine, paki sabi regards... hirap kasi wala silang email eh...
regards,
bomboy
No comments:
Post a Comment