Tuesday, June 28, 2011

Tungkol sa pagbukas ng Fam Madrid Facebook...

Sent: Tue, February 23, 2010 1:25:35 PM
Subject: fam madrid facebook

                                                
dear diary,

dahil sa isang idea galing sa isang member ng ating family tree, ay nakapagbukas kami ng isang facebook page para sa mga members ng acejas family... ginawa ito noong bale apo ko sa pinsan sa capiz... tapos, sa tulong niya, ay gumawa din ako ng page para naman sa mga members ng family tree ni impo... ang pangalan nya sa facebook ay Fam Madrid...

yong mga dating emails na yong iba ay lumabas na din doon sa bm clan newsletter ay inilagay ko na doon.. pati yong mga lumang family trees nila kuyang romy, sorcio, amang at boy paulino.... pati na ata yong kila tio imo... tapos, nilimit naman ni net yong puedeng magbasa nitong page na ito sa mga members lang ng bm clan...

yong historical sketch na sinulat noon ni sorcio tungkol sa hernandez branch ng family tree ni impo at yong pinagusapan nila ni kuyang ted tungkol sa pagkadonate noong lupa daw sa penarand para gawing palengke ay nandoon na din sa page na ito... ewan ko kung interested pa kayo sa project ng bm clan...

ang purpose lang naman nito ay yong mailagay sa kaalaman ng mga mas batang members ng family tree yong mga bagay na may kinalaman sa kanilang mga ninono..

tulad noong sinulat ni kuyang ted tungkol sa grandfather namin na si silvino jimenez... at yong tungkol kay itay paulino... hindi ko alam kung naisama ko na ito doon sa facebook...

yong sa hernandez side naman, maganda yong sinulat ni sorcio tungkol dito...

halos lahat ng mga members sa side ng acejas ay member na ng both facebooks... fam acejas at fam madrid... si paulito na anak ni boy paulino ay member na sa fam madrid...

mas madali kasi mag circulate ng mga news at information through facebook kesa sa bm newsletter na kailangan pang iprint at ipadala sa koreo... tulad ni alice acejas anak ni kuyang salvador...di naman sya active noon sa bm clan newsletter... pero dahil nagmember na sya sa fam acejas ay nakikita ko na yong mga travels niya sa australia at iba pa niyang gustong ilagay doon... yong email address ni fam madrid ay nasa itaas sa cc... kung mas gusto mong by email, baka dyan puede mong ipadala ang mga comments, ideas at iba pang news o information tungkol sa bm clan project....

o sige na at kamusta na lang sa inyo....

regards,

bomboy

No comments:

Post a Comment