Fri, November 5, 2010 10:58:04 PM
lyrics ng mga songs ko sa fb...
To: atty.mariocosto@yahoo.com
dear mario,
galing ako sa cardiologist ko last month kasi nagkaroon ako ng chest pain... ang findings ay nagkakaroon ng naman ng bara ang mga arteries ko sa heart...last saturday lang, ay tinakbo ako nila allan at tita baby mo sa emergeny kasi nagkaroon ako ulit ng chest pain na tumagal ng mahigit sa 15 minutes....buti na lang ay hindi naman pala heart attack yon... dahil sa nangyari sa uncle toco mo, siempre masyado akong natakot...
kaya ako nasa fb ay para lang magkaroon ako ng libangan...para mawala yong stress ng trabaho ko at ng ibang problema sa buhay...kung nakikita mo, nagcocompose na lang ako ng mga kanta tungkol sa romblon...at yan ang pinopost ko sa fb... dagdag yan doon sa mga dati kong kantang sinulat noong nandyan pa ako...
ang purpose ko dyan ay para lang mailagay ulit sa kaalaman ng mga taga romblon, lalo na yong kabataan, ang ala-ala ng mga lolo at lola mo sa romblon... kasi, wala naman akong kakayahan na gumawa ng ibang projects to perpetuate their memory in the minds and hearts of the people of romblon...yong ngang si dr fonte, naglalagay each year sa souvenir program ng fiesta ng announcement sa back page na kung maaari ay lagi ma remember ng mga taga romblon yong kanyang mga magulang...malaking halaga din ang ginagastos nya para sa bagay na yan.. pero kayang kaya nya kasi doctor sya sa california at doctora din yon missis nya...kaya sa fb ko, gusto ko lang maka establish ng goodwill among other fbs ng mga taga romblon...
ayaw ko nang mag express ng mga personal views ko about controversal topics involving romblon...kasi nga bawat taga romblon may kani kanilang pananaw tungkol sa mga bagay na yan...ayaw ko nang makipag debate pa about such topics... kasi wala din naman akong magagawa tungkol sa mga bagay na yan... stress lang ang aabotin ko sa mga ganyan..eh masama na nga ang stress sa akin...
anyway, dahil sa mga naisulat kong songs, both yong dati at yong mga bago, na naipost ko sa fb, at itinatag ko sa mga fb ng mga taga romblon, medyo napansin ako ng mga fbs na yan... at isa na nga dyan yong romblon high fb...at na request nga ako na sumulat ng lyrics ng gawad alumni award 2010 ng romblon high...sabi ko nga doon sa isang email ko, noong una ay nag decline ako kasi akala ko hindi ko kayang magsulat ng lyrics para sa ganyang kanta...pero ni request nila ulit ako...at nag decline ulit ako...pero noong inulit pa rin nila yong request, ok sabi ko susubukan ko at hiningi ko nga lahat ng materials nila about the project...
at yong nga yong sinulat ko ang inadopt nila as "himig ng gawad award" although pinalitan nila yong first line noong last stanza, at yong title ay tinagalog nila... kasi yong aking original line ay..."ikaw ang nahirang na gawad alumni awardee sa taong ito..." ang sinulat nila ay "ikaw ang nahirang na pinarangalan ng gawad alumni sa taong ito..." sa tingin ko mas mahirap kantahin yong nilagay nilang line pero ok na rin sa akin yon...
actualy, just between us, disappointed nga ako sa naging reaction ng mga kamag-anak at friends ko na pinaldhan ko ng email about this deveopment... in reality, sa dami ng pinadalhan ko ng email na yan, isa o dalawa lang ang sumagot at ni isa walang nagsabi ng "congratulations for a job well done"...
sabihin mo nga sa akin, ano ang dahilan kung bakit walang naka appreciate sa aking nagawa...ikaw na magaling ang ear sa music at sa guitara, sabihin mo nga sa akin kung madali lang gumawa ng melody at lyrics ng kanta...
samantalang, may isa akong nakilala ko sa fb, na graduate pa sa UP sa piano, na nirequest ko kung puede niyang gawan ng music yong himig na yan... ang sabi sa akin, marunong daw syang tumugtog ng piano, pero ni minsan hindi pa raw sya nakapag cocompose ng kanyang music...huwag na lang yon, sa tingin mo ba ganoon ka dali magsulat ng lyrics ng isang kanta...yong mga lyrics ba na tinag ko sa iyo, sa tingin mo ba, madali lang isulat yong mga yon...hindi naman yong mga pictures ang importante doon kundi yong lyrics na sinulat ko...siempre mali din kasi ako sa paglagay ng mga nasabing pictures...noong una kasi akala ko makakatulong doon sa lyrics ko..
sana ang sinabi mo ay uncle walang kwenta yan sinulat mong lyrics...mas natuwa pa sana ako... kasi, malalaman ko kung maganda o hindi yong lyrics na sinulat ko...
yong mga well-founded views mo about the lack of development plans for romblon on the part of politicians at government officials there ay ipost mo doon sa mga fb na talagang designed for that specific purpose..or ilagay mo yan doon as comments sa mga pictures of romblon na pinopost nila sa fb...ako kasi pinapirate ko lang yang mga pictures na ginagamit ko sa mga lyrics ng songs na pinopost ko sa fb...
kung doon mo din ilalagay yong mga views mo sa pictures na kasama ng lyrics na ipinost ko, ang attention ng mga makakabasa ng mga views mo ay mapupunta doon nga sa views na pinopost mo at hindi sa lyrics na ipinost ko...sa halip na pagtiyagaan nila na basahin yong mga lyrics ko na medyo may kahabaan din naman ay doon na sa mga well-founded views mo sila magconcentrate..
gusto ko sana na supportahan mo yong aking sinusulat na mga lyrics at sabihin mo na gusto mo ito...o hindi...para naman magka interest yong iba na basahin din itong mga lyrics na ito...kung wala lang yong mga lyrics ko doon sa mga pictures na binatikos mo ay ok lang sa akin yong mga sinabi mo...may katuwiran ka naman para sabihin iyon...
sana, maintindihan mo lahat ang sinabi ko dito...paki usap ko lang ito.. kasi nga sabi ko sa iyo, ikaw na lang dyan ang ina-asahn ko na maging leader ng ating pamilya...wala nang iba...pinagmamalaki kita sa lahat ng mga kamag-anak natin at nasa iyo ang aking supporta sa mga hakbang mo sa buhay... kamusta na lang dyan sa inyong lahat...
regards,
uncle
No comments:
Post a Comment