Mon, November 22, 2010 7:01:32 PM
Re: my diary-lyrics/songbook
dear diary,
noong pinost ko sa fbook yong isang song ko na ang original title ay "ngayong malapit na muling sumapit ang pasko," may nagcomment na pamangkin namin ni baby na taga penaranda na nagandahan daw siya sa letra noong kanta... kaya sabi ko kung puede iprint nya ito at ipakita kay ka art p. madulid.... kasi sabi ko siya yong nagturo sa akin kung paano gumawa ng kanta... noong sinabi nya na wala daw silang printer, sabi ko kahit kopyahin nya sa kamay yong letra tutal mag-isi lang naman yong kanta kaya lang humaba ay dahil siempre inulit lang yong chorus nito... hinanap nila si ka art pero hindi raw ito nakita baka raw sa ibang lugar na siya nagtuturo ng music... kasi nagtuturo si ka art sa mga bata na gustong sumali sa banda ng musiko sa bayan-bayan...ang sumusueldo sa kanya ay yong may-ari ng banda... kasi kailangan meron silang laging supply ng mga kabataan na gustong matutong tumugtug ng instrumento para meron silang laging musikerong sasama sa banda nila...hindi din namin sya nakita noong umuwi kami sa penaranda noong nandoon kami noong fiesta...siguro nga busy sya sa pagtuturo ng musika at pati sa pagtugtug sa banda...
nakilala ko nga si ka art doon sa avenida, rizal dahil lagi syang kasama ni kaka siano noon...pero hindi ko na din matandaan kung bakit kami naging maging matalik na kaibigan although madalas noon ay nawawala sya ng matagal... suerte ko din kasi, noong marami akong biyahe sa bicol dahil sa trabaho ko as a lawyer, madalas syang available noon na sumama sa akin...masaya syang kasama at loyal sya na kaibigan... nakakahiya nga kasi hindi ko naman sya talaga naaabutan ng malaking halaga sa pagsama sama nya sa akin... parang ang importante lang sa kanya ay makatulong sa akin...
nagka pamilya din si ka art... at meron ata syang dalawang anak...magaling din nga daw tumugtug sa guitara yong anak nyang lalaki... pinakanta pa nga ni ka art sa dalawang anak nyang ito yong song na sinulat kong "christmas bells..." sa isang christmas party nila sa elementary school...
utang ko lahat kay ka art p. madulid ang aking natutunan sa pagkanta at sa pagsusulat ng mga himig at letra ng mga kanta.. kaya nga noong maisulat ko yong lyrics ng "Himig ng gawad alumni" ng romblon high facebook, ay sinabi ko sa kanila na ina alay ko din ang mga titik na iyang kay ka art p. madulid na nagturo sa akin na sumulat ng kanta at ng lyrics nito....
yong story kung paano ako nagsimulang maturuan ni ka art kumanta at magsulat ng kanta at lyrics ay yoong nilagay ko nga sa introduction na sinulat ko sa diary ko last year...
regards,
bomboy
No comments:
Post a Comment