sa araw ng mga ina,
na aalala ko ang mga
habilin ng aming Ina:
ang pagmamahal nya ay nadama ko na
noong ako'y nasa kanya pang sinapupunan
nadama ko rin yan mula pa noong
ako sa mundo ay kanyang isinilang
nadama ko rin yan noong mga panahon
ng aking masayang kabataan
at kahit na wala na sya ngayon ay
madarama ko ito magpakailanman
mga turo nya sa akin ay mahalaga
at aking natatandaan
saan man ako makarating sa aking
landas na sinusundan
ako'y hindi maliligaw sa aking mga
pinupuntahan
dahil sa naiisip ko palagi ang kanyang
mga habilin sa akin noong una pa man
at sa araw na ating pinararangalan
ang lahat ng ating mga nanay
naririnig ko ang tinig ng pagmamahal
mula sa labi nya noong kami ay magkahiwalay
mag-ingat ka anak sa lahat ng iyong
gagawin para sa iyong buhay
alalahanin mo palagi ang tumawag
sa ating Poong Maykapal
at gawin mo Syang gabay
sa hinaharap mong pamumuhay
lahat ng kabutihang mong magagawa
ay sa Kanya mo ito dapat i-alay
huwag kang umasa sa ibang tao
sa iyong ikakabuhay
sa sarili mong tiyaga at sipag
mo isaha ang lahat ng bagay
huwag kang mawawalan ng
loob sa harap ng mga pagsubok
lahat ng paghihirap ay kaya mong
lampasan kung buo ang iyong loob
pamilya mo ay iyong mahalin
at paglingkuran ng tapat
gawin mo ang lahat ng magagawa
nang sa ganoon pamilya mo ay umunlad
ang kabutihan at kaligayan nila
ay sadyang nasa iyong mga palad
ang nanay ko ay totoong
minahal ng kanyang mga kapwa
kaya sa romblon buhay namin
doon ay sadyang pinagpala
nagtulong sila ng aking tatay
na kaming lahat ay makapag-aral
lahat ng hirap ay kanilang hinarap
patunay na kami ay kanilang mahal
di sila nagkulang sa kanilang pangaral
para kami ay mabuhay ng may sariling dangal
No comments:
Post a Comment