dear diary,
dear diary,
salamat naman at nakasulat ka ulit... matagal na akong nagpapadala nitong class 58 newsletter natin na tabagak... yan yong maliit na isda sa romblon na lagi kong nahuhuli kung nagfifishing ako doon sa muro noong mga grade school pa tayo.... pero hindi kinakain ng mga taga romblon yan... di ko nga alam kung meron pa niyan sa romblon... pero dati marami talaga yan at doon lang sila sa tabi ng mga bato sa muro nakatira....
yong mga pictures ng romblon na ginagamit ko sa newsletter ay kinukuha ko lang sa facebook... mga pictures yan mga taga romblon na pinopost nila sa facebook... nagpaturo lang ako sa isang bale apo ko sa california kung paano ko makokopya yong mga pictures na nakapost sa ibang facebook para mailagay ko sa mga notes ko.... sabi isave ko daw sa computer ko by rightclicking at isave as pictures sa computer ko.... tapos pagnagpost ako ng notes puede kong ilagay ang mga yan doon sa notes ko as allowed by facebook... tapos noong napost ko na yong notes with pictures sa facebook, sinubukan kong icopy and paste naman sa email at lumabas din doon ang mga pictures... so, nakagawa ako ng newsletter ng rhs class 58 na tabagak na may mga pictures... yong unang mga pinadala ko ay sa email ko lang ginawa kaya walang mga pictures....
sana nga you can find time to do a water color of these pictures... maganda kung makakagawa ka nyan... sayang nga at hindi ako natuto na mag paint... mas maganda kasi ang nakakagawa ng mga painting kasi isabit ko lang sa wall sa bahay ay enjoy ka na sa pagtingin dito... di tulad ng mga lyrics ng mga songs ko kailangan pang itype o iprint sa papel at basahin.... pero naiisip ko rin na gumawa ng mga print outs ng ilang mga favorites lyrics ko para maipa frame ko din at maisabit sa wall... pero kailangan may kasamang art work na background....
sa ngayon, tinatapos ko pa yong isang maigsing song ko na tungkol naman sa romblon high school at sa class 58.... medyo, pang aliw ko sa sarili ko ito kasi nga for the last five months ay di kami nakatira sa bahay noong oldest son namin kasi nagka kitchen fire nga doon before new year... three days ago lang natapos at na-approve yong mga repairs doon kaya ngayon lang kami nakabalik dito... kaya nga siguro ako nainvolve masyado sa pag-gawa gawa ng mga songs ko about romblon since april kasi para mawala sa isip ko yong tension at anxiety dahil sa situation namin dito... at saka pang apat na song na ito kaya siguro last na din ito.... yong previous songs ko tungkol sa romblon ay una yong romblon, romblon, my home sweet home (april,2010), tapos yong marble isles (may 2010), st yong another song about my hometown of romblon (end of may,2010) at ito na nga.... still another song about romblon... actually tapos na ang draft nito... pero talagang maigsi lang ito....hahaba lang ito kasi uulitin ng dalawang beses yong chorus.... pero ok din ito kasi para sa rhs class 58 ito in particular at about romblon high school in general....
sadly ay wala pa akong reaction galing sa mga classmates nating iba... kaya in a sense, medyo discouraged din ako... na walang interesado na makipag associate sa akin even now....siguro everyone else is busy enjoying their retirement.... kaya na mention ko rin ito sa song na tinatapos ko ngayon... buti pa nga ikaw kahit papano ay nakakasulat pa din...anyway, talagang ganoon ang buhay at may mga ups and downs ang ating mga days... siguro kung ica carbon copy mo sila ng mga newsletters na ito ay baka magkaroon sila ng reaction kasi parang galing na rin sayo...
ngayon ko lang naisip, lalagayan ko ng picture ko from facebook ang email kong ito.. just this morning nakuha itong picture kong ito.... tanong ko nga sa apo ko na kumuha ng picture ko, allen do i really look very old in this picture... pang palubag loob sabi naman nya na "not really lolo...."
regards,
bomboy
No comments:
Post a Comment