Tue, November 23, 2010 12:10:09 PM
Re: my diary-lyrics/songbook
dear diary,
yon namang mga ginagawa ko ay hindi para makagawa ng ano mang hit... iba yong pang commercial na mga kanta... gawa yon ng mga professional songwriters na talagang mga may talent na sumulat ng kanta...alam nila yong mga elements na kailangan para makagawa ng magandang kanta... rhythm, melody at harmony... alam nila pati mga guitar or piano chords, at mga progressions nito... kaya nakakalipat lipat sila from one key to another kaya mas lalong nagiging maganda yong mga melodies na nagagawa nila... hindi sila limited sa do, re, mi, fa, so, la ti, do, or sa 8 basic notes sa paggawa ng melody... may mga sharp at flat notes silang puedeng ilagay sa melody kaya mas madami ang notes na nagagamit nila sa melody...ito yong sinasabi nila kung minsan na kumakambio tono sa isang kanta... pero kahit na hindi nagkakaroon ng kambio tono, nakakapagsingit pa din sila ng mga sharp o flat notes within the same key... masyadong marami nang technicalities and involved dito... talent o musical training na ang kailangan para sa ganyan...wala ako nyan pareho...at saka yong paggawa ng lyrics hindi din ito basta basta nagagawa... may mga talented writers talaga ng lyrics... o yong nag-aral talaga nito...merong mga magagaling gumawa ng melody na kailangan din nila ng mga talented o bihasa na lyric writer para magagawa ng hit songs... dyan na lumalabas yong sinasabi ninyong talent or gift.... wala ako niyan... ang akin ay purely mechanical method lang ng paggawa ng melody at lyrics....kunting tiyaga at kunting talino, kahit sino makakagawa ng simpling melody at lyrics... pero yong pang commercial hits or songs, iba nang usapan yon....kaya sinasabi nila may dalawang klase ng mga songwriters, yong hobbbyist at yon professional songwriters... sa ano mang mga larangan ganyan eh... may amateur players ng basketball at professional players... ganun lang yon....
regards,
bomboy
--------------------------------------------------------------------------------
Sent: Tue, November 23, 2010 8:14:50 AM
Subject: Re: my diary-lyrics/songbook
try to make a christmas card with this song.
you might have a hit, with Hallmark cards.
No comments:
Post a Comment