Sunday, July 3, 2011

Ang sabi sa akin ni Tia Juana noon, ishare natin sa kanya ang ating mga nagagawa sa buhay..

Sat, November 20, 2010 1:25:24 PM
Re: my diary-lyrics/songbook





dear diary,

akala ko kasi secret ito kasi sa tagal tagal na ng panahon, ngayon mo lang nabanggit ito...mula pa noong last year noong sinimulan kong magshare ng mga lyrics ko, ngayon mo lang nabanggit ito... at yong worry mo na hindi nakakadalaw si irene at husband nya kila ate ine...hindi ko alam kung paano ko ito mapapaliwanag sa aking sarili... buti pa nga minsan yong letter mo to the editor ay naforward mo sa akin...pero hindi mo naman nagustohan yong mga comments ko....kaya sabi mo naive ako...


kung may talent ako o gift for songwriting, sana ay humanga ka na ng husto sa mga lyrics na naishare ko sa iyo at sa iba pa nating mga relatives....pero, parang ni hindi mo binabasa ito kasi parang hindi worth ng time mo to read them, much less really appreciate the lyrics... di kamukha ng mga bday cards o christmas cards na binili mo mo taon taon, i am sure na pinipili mo ito hindi lang based doon sa mga pictures ng cards, kundi more based on the wordings noong greetings na nakalagay doon....kasi kung hindi ayon sa taste mo at sa message na gusto mong ipadala kung kanino, hindi mo pipiliin yong particular card na yon...

yong mga lyrics na pinadadala ko sa inyo, parang mga cards din yan na may expression ng aking mga thoughts, sentiments, feelings o ideas....siempre, kung maganda yan, siguradong nagustohan mo na sana ang isa o dalawa dyan at nasabi mo na sa akin kung bakit mo nagustohan yan... proof lang na wala akong talent at hindi mo napupusoan yong mga lyrics na yan.. parang abala lang sa iyong panahon ang mga iyan... kaya sasabihin mo lang na congratulations... you have talent.... pero hindi na naman mahirap basahin ang message na nasa ilalim nyan....

dati may mga magagandang messages akong natanggap sa mga forwarded emails sa akin... sabi noong isa, " life is God's gift to you, what you do with your life is your gift to God..." ang feeling ko ay yong pagsulat ko ng mga songs at lyrics at sinishare ko sa inyo ay isang bagay na ginawa ko sa buhay ko na hindi naman nakakapinsala sa kapwa tao ko at part ng ginagawa ko sa buhay ko as my gift not only to God but also to my friends and relatives... that is a part of what i do with my life...hindi lang naman paggawa ng pera ang nakakapagbigay ng kasiyahan sa tao... o yong pagbibigay ng material things sa ating kapwa... may value din naman sana ang pagbibigay ng mga intangible things na nagagawa natin sa ating buhay... tulad ng mga lyrics ng songs ko....dapat din naman siguro bigyan ito ng serious thought and kung abala lang ito sa mga kinauukulan eh di sana sabihin ng tapat ang totoo... wala namang masama doon...

sabi nga noong sa akin ni tia juana, dapat daw dinadalaw siya ng mga pamangkin nya at ishare sa kanya yong mga achievements o mga nagagawa nila sa buhay... kasi daw kanino pa nila ito isishare...kaya yan lang naman ang ginagawa ko... kung nakaka-abala lang ako,siguro dapat lang na hintoan ko na ito...

regards,
 
bomboy

No comments:

Post a Comment