Friday, December 30, 2011

sulat ko kay Mawic tungkol sa mga ginagawa ko ngayon...december 30, 2011

Re: Merry Christmas to all!


Friday, December 30, 2011 6:34 PMMessage body

Dear Marivic,

Happy New Year!!!

sa fam madrid fb, may mga picture doon ang lola mo na pinost ni Glenn Kopp.. solong mga pictures niya ito noong nasa ohio sya...ewan ko kung puede mo itong kopyahin at palakihin...meron din letrato ang lolo mo doon ng bata pa sya sa Cepoc, Romblon kung saan sya ang cashier at paymaster....ganun din, ewan ko lang kung puede mo itong kopyahin at palakihin...

yong tree planting, okay na rin yon kasi dapat matoto si Julius na alagaan yong mga maliliit na piraso ng lupa ng lola at lolo mo sa romblon....kunting tiyaga lang ang kailangan sa pagpapa-alala sa kanya.... yon din naman ang isang purpose ng project na ito...para nga maging involved si Julius sa bagay na ito kasi sya lang ang puede nating asahan sa gawaing ito...sya na bale ang ang may roots doon ngayon...sila na lang nila Anita.... kung gustong sumali sila Anita ay puede rin naman....kaya lang hindi ko alam ang mga balak nilang mag-anak....si Julius ay interesado sa bagay na ito... nakapagtanim na nga sila ang ilang puno doon noong nakaraan.... sabi nga niya sila na ang bahala sa mga itatanim kasi sabi ko bigyan niya ako ng estimate ng gastos...sa katagalan, sila Julius din naman ang magiging taga alaga sa mga lupaing ito kahit hindi na tayo kasali....gusto ko lang na laging nasa pangalan nila lola at lolo mo ang mga lupa at laging maitanim sa alaala ng mga kapitbahay nila doon ang pangalan nilang dalawa....

tama yong sinabi mo...hindi puede na wala akong gagawin araw araw...kaya kailangan ko talagang kumilos, magsulat at magexercise... noong nasa high school ako, sulat lang ako ng sulat, lalo na kung sabado at linggo kung hindi ako naglalaro ng basketball sa plaza....hindi naman kasi in born ang kakayahan ko sa pagsusulat di tulad noong mga magaling talagang mga writers... siguro kasi hindi nga masyadong uso sa amin yong pagiging wide reader....kaya limitado ang aking vokabularyo... ang malaking pagbabago pa, ay hindi ako marunong sumulat ng tula noong panahon na iyon.... kaya puro essays at oration pieces ang sinusulat ko...si lolo mo ang taga correct ng mga ito at sya ang nagaayos at nagpapaganda nito...natatandaan ko pa ang comment niya na rumbling daw ang mga sentences ko....kaya inaayos pa niya ang mga ito....

ngayon, mga letra ng kanta na ang sinusulat ko....mabuti talaga yong natutuhan ko sa kaibigan kong taga penaranda na si Ka Art P. Madulid...sya ang nagturo sa akin ng pagsulat ng kanta....at saka noon ay english o tagalog ang sinusulat kong mga letra....ngayon ay pati romblomanon na kasi masyado akong tinuligsa ng mga fb na kaibigan ko na mga taga romblon na dapat akong matotong magsulat sa aming salita doon...tatlo ang salita doon...romblomanon, unhan at asi....pero siempre rombomanon ang salita sa bayan ng romblon kaya yong lang ang puede kong gamitin sa pagsusulat....kamukha kagabi, may nagcomment na dapat daw mahalin ko ang salita sa romblon, doon sa sinulat kong kanta sa tagalog tungkol sa letrato namin dito sa bahay noong bago magpasko....kaya kagabi din ay gumawa ako ng kantang, " Hambay naton sa Romblon dapat guid naton palanggaon...." natapat naman na Rizal Day pala ngayon kaya nasuertehan na may kanta ako para sa araw na ito...ang sabi ko nga pag share ko nito sa mga kaibigan ko: " daw si Rizal ang naghambay nga ang tawo nga waya gapalangga sa iya kina-ugalingon nga hambay, hay mas kalulu-oy pa sa hayop o sa malansa nga isda....."

tapos kanina ay nabasa ko yong sulat ni Tita Honor tungkol sa pagpunta nila kila Tita Perlyn noong pasko na parang stanzas ng tula o kanta ang pagka sulat niya sa english... sabi ko, mabuti at nakukuha na ni Tita Honor ang idiya sa pagsulat ng letra ng kanta....kaya yong first paragraph ng sulat niya ay ginawa kong letra ng kanta sa tagalog:

"Manigong bagong taon sa lahat sa inyo,
Kamusta naman ang inyong naging pasko,
nagpunta kami kila Perlynn noong sabado,
limang oras din sa kotse ang biyaheng ito...

bibigyan kita ng kopya ng sagot ko sa kanya....At Happy New Year sa inyong lahat diyan...

love,
uncle

No comments:

Post a Comment