Friday, December 30, 2011

sagot ko sa sulat ni tita Honor tungkol sa pasko nila dito...

Fw: Fwd: Happy New Year!

Friday, December 30, 2011 8:54 PMMessage body
Sent: Friday, December 30, 2011 5:57 PM

Dear Honor,

Happy New Year!!!

natutuwa ako na nagkakaroon na ng magandang kinapupuntahan ang paggawa ko ng letra ng mga kanta.... pati si Tita Honor ay naging inspirado na gumawa ng kaniyang sariling paraan na magsulat ng kwento sa paraang kahawig ng letra ng kanta.... kung tutu-usin, itong ikiniwento ni Tita Honor dito ay puedeng gawing letra ng kanta...kunting tiyaga lang ang kailangan...kasi kung mapapansin natin, karaniwang letra ng mga kanta ay kwento ng buhay, o yugto nito, o isang karanasang ng tagumpay o kabigu-an sa larangan ng pagibig, o iba pang bagay... o tungkol sa anu mang pakiramdam sa buhay....

ang maikling kantang "Silent Night", kasi kaspaskuhan pa rin ngayon, ay kwento ng kapanganakan ni Hesus..isinasalarawan ang kalagayan ng kapaligiran noong gabing iyon,

"Silent Night, Holy Night, All is calm, All is bright..."
kung sa tagalog mahirap sabihin ito....kasi hindi tatama sa nota ng kanta ang:
"Tahimik na Gabi, Banal na Gabi, Lahat ay payapa, Lahat ay maliwanag"....
kaya ang sinulat ko ay:
"Kay tamhimik ng paligid, kay payapa ng daigdig"...
yan ay tatama sa nota ng kanta pero hindi talaga eksakto sa letra ng kanta ito... tapos yong
"Round yon Virgin mother and Child, Holy infant so tender and mild,..." mas mahirap ito isa tagalog....
"Bilog doon sa birheng ina at anak, Banal na sanggol kay lambot kay banayad...." kaya ang ginawa ko na lang ay
"Mayroong mag-ina sa belen, solong anak ng ina na birhen"....kasi mas tatama sa nota ng kanta....
"Sleep in heavenly peace, Sleep in heavenly peace....}
"Natutulog sya ng payapang makalangit, Natutulog sya ng payapang makalangit...." hindi din ito kakasya sa nota ng kanta....kaya ang sinulat ko ay,...
"Tulog niya ay mahimbing, Tulog niya ay mahimbing".... kaya kung ihahambing natin ang mga letra ng kanta, ito ang lalabas:

silent night, holy night --- kay tahamik ng paligid,
all is calm, all is bright --- kay payapa ng daigdig,
round yon virgin mother and child --- mayroong mag-ina sa belen,
holy infant so tender and mild --- solong anak ng ina na birhen
sleep in heavenly peace --- tulog niya ay mahimbing
sleep in heavenly peace --- tulog niya ay mahimbing

---------

sa madaling sabi ay nakukuha na ni Tita Honor ang idiya ng pagsulat ng letra ng kanta...nalampasan na niya ang unang hakbang sa pagsusulat nito... kailangan na lang ng melody....tungkol dito, noong una ay naghahanap ako ng tono sa bawat kanta na sinusulat ko tapos yoon ang nilalagyan ko ng letra... mahirap ito kasi pagkatapos, kailangan na isa-ulo dalawang bagay: ang letra ng kanta, at ang tono ng kanta... kaya nitong huli, isang tono na lang ang ginagamit ko sa pagsulat ng kanta....kaya isa na lang ang aking kinakabesa kung gusto kong makanta ang isang kanta ng hindi tumitingin sa mga letra....

kaya kung gagawing letra ng kanta sa tagalog ang unang stanza ng sulat ni Tita Honor, ay ito ang puede kong gawin...

Manigong Bagon Taon sa lahat sa inyo...
Kamusta naman ang inyong naging pasko...
nagpunta kami kila perlyn noon sabado..
sa kotse ay limang oras ang biyaheng ito...

at kung titingnan natin mas madaling basahin yong ginawang paraan ni Tita Honor sa pagkwento niya ng naging pasko nila kila Tita Perlyn kasi nga parang letra ng kanta ang ginawa niyang pagsusulat....titingnan ko kung magagawa kong letra ng kanta yong sulat niya ng buong-buo....baka sakaling makasulat ako ng isa pang kanta para sa bagong taon....

Happy New Year ulit sa inyong lahat....

regards,
lolo bomboy

No comments:

Post a Comment