Friday, December 30, 2011

"Silent Night" sa romblomanon at tagalog, december 25, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

Happpy New Year ( Silent Night sa romblomanon/tagalog)

Wednesday, December 28, 2011 9:35 AMMessage body

sa lahat:

Happy New Year sa inyong lahat...

buti na lang at binigyan ako ng kaibigan ko dito sa Georgia na si Adel Madali ng idiya tungkol sa pagsalin ng "Silent Night" sa romblomanon o tagalog noong gabi ng pasko...sabi ko baka mahirap kasi maiigsi ang letra ng original at saka mahirap siguro kakong ma word for word... kasi mahahaba ang mga salita sa romblomanon at tagalog para sa "silent" at "holy".. kamukha kako sa spanish version, ang simula ay "Noche de paz, Noche de amor..." sabi ko yong "noche de paz" exacto..."silent night" pero yong "noche de amor"....hindi "holy night" kundi "night of love".... kaya medyo na isip ko, kahit hindi word for word, susubukan ko na rin...at saka gagawa na rin lang ako, bakit hindi pa sa romblomanon at tagalog na... at narito sa ibaba ang sa tingin ko ay ang final copy na ng aking romblomanon at tagalog version.... ang totoo, ako mismo ay nagulat sa aking version ng first verse ng kanta... kasi, ito na siguro ang pinaka halos word for word na magagawang pagsalin ng verse na ito sa romblomanon man o sa tagalog....at saka ito lang talaga ang aking sinalin sa mga salitang ito...yong ibang verses ng kanta sa english ay hindi ko na pinagtiyagaan isalin....gumawa na lang ako ng aking sariling mga verses sa tono ng "Silent Night..." sa tingin ko, puede na rin ito....

kaya malaking pasasalamat ko talaga kay ka Art P. Madulid isang kaibigan kong taga penaranda na nagturo sa akin na magsulat ng kanta...at saka sa mga kaibigan kong taga Romblon sa facebook, lalo na kay Wilson Berano , kasi sa kanya ako natoto na magsulat ng letra sa romblomanon, at kila Bobot Marin Prado at Ish Fabicon na nag udyok sa akin na mag-aral magsulat sa salitang romblomanon.... kung hindi sa mga kaibigan kong ito, hindi ako makagagawa ng aking romblomanon at tagalog version ng "Silent Night"...at bago pa dito, hindi ko sana nasulat yong romblomanon at tagalog translations ko ng "Mi Ultimo Adios" ni Gat Jose Rizal, at ang romblomanon version ko ng Tierra Adorada", ang original ng pambansang awit ng Pilipinas...

sana makapagbigay ito ng dagdag sa diwa ng pasko at ng bagong taon kahit papano...

happy new year to all:

regards,

bomboy


Silent Night sa romblomanon at tagalog, december 25, 2011, letra ni lolo bomboy,
by Lolo Bomboy on Sunday, December 25, 2011 at 8:25pm

Pahabol:

bago lumipas ang paskong ito, gusto ko lang ishare sa inyo ang lyrics na ito...baka puede pa nating kantahin bago matapos ang araw ng paskong ito...maraming salamat at merry christmas sa lahat....

Silent Night (romblomanon/tagalog)
december 25, 2011
letra ni lolo bomboy

letra:

O kahipos sa paligid,
kalibutan hay na-umid,
may nanay kag unga sa belen,
solong unga ng nanay nga birhen,
tuyog niya hay madayom,
tuyog niya hay madayom...

yari na Sya, ang Gino-o,
manunubos sang tawo,
nag-abot na ang unga ng Diyos,
sa belen guid ging unga si Hesus,
paskwa na sa aton
paskwa na guid sa aton...

kadayom guid, ang tuyog Nya,
sa belen, yadto Sya,
yadto da ang birheng Maria,
ang nanay, nag-unga sa-Iya,
Hari Sya ng tanan,
Hari guid Sya ng tanan
---------------------------

kay tahimik ng paligid,
kay payapa ng daigdig,
mayroong mag-ina sa belen
solong anak ng ina na birhen
tulog niya ay mahimbing,
tulog niya ay mahimbing

dumating na, ang Ginoo,
manunubos ng tao,
dumating na ang anak ng Diyos,
sa belen nga sinilang si Hesus,
Pasko na sa mundo
Pasko nga nga sa mundo.....
or
(nandon Sya no'ng pasko,)
(nandon nga Sya no'ng pasko..)

napahimbing, ang tulog Niya,
sa belen, naro'n Sya,
naro'n din ang birheng Maria
ang inang nagluwal sa Kanya
Hari Sya ng lahat
Hari nga Sya ng lahat
---------------
note: hindi ko lang matiyak kung tama ang indayog ng letra sa nota ng original na kanta....

No comments:

Post a Comment