by Lolo Bomboy on Friday, December 30, 2011 at 9:37pm.picture ni Tita Perlynn noong nagspeach sya sa grupo nila...
Sent: Friday, December 30, 2011 8:53 PM
Subject: ang pasko namin dito ...Fw: Fwd: Happy New Year!
Dear Honor,
tulad ng sinabi ko kanina, ay sinubukan kong gawing kanta sa tagalog yong sulat mo tungkol sa pasko nyo diyan...at ito na ang naging takbo ng aking kanta...
pero bago noon, hayaan mong bumati muna ako...Manigong bagong taon sa inyong lahat...nakatuwaan ko lang na isulat sa kanta ang sulat ni Tita Honor na nasa ibaba parang pambagong taong kanta ko na ito....kasi parang tula o kanta ang pagka ayos ni Tita Honor sa kanyang sulat... sana magustohan nyo ito:
ang pasko namin dito, (december 25, 2011) lyrics/melody by lolo bomboy
intro:
ito ay isang kanta na hinango ko sa sulat ni Tita Honor
tungkol sa kanilang naging pasko dito:
letra:
manigong bagong taon sa lahat sa inyo,
kamusta naman ang inyong naging pasko,
nagpunta kami kila Perlynn noong sabado,
limang oras din sa kotse ang biyahing ito...
umalis kami nang alas nueve ng umaga,
dumating kami alas dos ng hapon na,
ako ay naghain ng tanghalian sa la mesa,
mga gulay na may langonizang kasama...
at si Carolynn ang naghanda ng merienda...
ang hapunan namin ay alas sais na ng gabi,
may hamon at saka tilapia pa mandin kami,
naglipit at nagkuhanan ng letratong kay dami,
at nagsimba naman kami alas nueve ng gabi...
pag-uwi namin kami ay nagmerienda naman,
pagkatapos ay nagligpit kami ng kina-inan,
medyo inabot na kami ng ala una ng umaga,
saka pa lang kaming lahat ay nagpahinga na....
nagalmusal kami ng tinapay at naiwang hamon,
pasko na nga nang umaga ng kinabukasan noon,
pagkalinis ng la mesa, kami na ay nagsipagligu-an,
nagpaletrato, nag palitan ng regalo, at nananghalian...
alas sais na ng hapon ang sumunod na hapunan,
may handa kaming pabo at menudong kay inam,
si Lizzie at may pansit na may kasamang gulay,
at saka naglaro din kami ng WII sa loob ng bahay....
nanalo ako sa badminton at sa bowling ay talo ako,
sila Lizzie at Carolynn naman ang nagkampeon dito,
nanood kami ng "Rise of the Apes " na kay ganda,
nakatulog kaming lahat mga ala una na ng umaga...
umuwi kami lunes na nang pagkatapos ng pasko,
medyo nakatulog kami nang matagal sa araw na ito,
naka-alis kami pagkatapos magalmusal ng alas dose,
sa bahay ay alas sinco ng hapon nang dumating kami...
si El ay dumating din at nakasama namin noong pasko,
at aalis naman ulit sya sa linggo, unang araw ng Enero,
dumalaw muna sya sa New York doon kay Carolynn,
at sabay na silang dalawang nagpunta kila tita Perlynn...
na-una silang dumating doon ng isang oras kesa sa amin,
ikuwento naman ninyo ang naging pasko ninyo sa akin,
siguradong naging masaya kayo diyan na magpapamilya,
pasko ay masaya kung ang mag-anak ay magkakasama...
-----------
Happy New Year to all !!!!!
regards,
lolo bomboy
No comments:
Post a Comment