Saturday, December 31, 2011

Ika'y inibig ko, sa piling mo ay lumigaya, oct. 25, 2011, lyrics by lolo bomboy

ika'y inibig ko, sa piling mo ay lumigaya....

ang paraan ko (My Way sa pagkaintindi ni lolo bomboy sa tagalog)
Tuesday, October 25, 2011 at 2:25pm.

My Way lyrics
Songwriters: Revaux, Jacques; Anka, Paul (Eng Lyr); Thibaut, Gilles; Francois, Claude;

letra:

ngayong
malapit nang
maisulat ko
kwento ng buhay
sana'y
mabanggit ko
mga yugtong
sadyang makulay

aking
nalampasan
natiis ko
maraming bagay
buhay
nahubog ko
sa paraan ko

sisi'y
dinanas ko
dahil ako ay nahirapan
lahat ng ninais ko'y
sinubok ko
ng buong tapang

puso'y
sinunod ko
bawat hakbang
hanggang sa dulo
ayon
na rin ito
sa paraan ko

may panahong
nalaman mo
di ko kayang
gawin ang lahat
kaya naman
walang duda
natikman ko
ang masaktan
hinarap ko
lahat ito
sa paraan ko

i-ka'y
inibig ko
sa piling mo
ay lumigaya
ngayong
walang luha
kita ko na
ang pag-asa

lahat
sa buhay ko
ay utang ko
sa'yo giliw ko
O-o,
para sa'yo
ang nagawa ko

sino ba ako/
kung di sa'yo/kung wala ka
galing sa'yo/wala akong
ang lakas ko/makakaya
para aking/di ko kayang
ipaglaban/ipa-alam
ang gusto kong/ang gusto kong
maramdaman/maramdaman

dahil sa'yo
nakita ko
ang paraan ko

repeat:

ika'y inibig ko,
sa piling mo ay lumigaya,
ngayong walang luha,
kita ko na ang pag-asa,
lahat sa buhay ko,
ay utang ko, sa'yo giliw ko,
o-o para sa'yo,
ang nagawa ko...

sino ba ako, kundi sa'yo,
galing sa'yo, ang lakas ko,
para aking ipaglaban,
ang gusto kong maramdaman,
dahil sa'yo,
nakita ko,
ang paraan ko...
dahil sa'yo, nakita ko
ang paraan ko....

ang pasko namin dito (december 30, 2011), lyrics/melody by lolo bomboy

by Lolo Bomboy on Friday, December 30, 2011 at 9:37pm.picture ni Tita Perlynn noong nagspeach sya sa grupo nila...
Sent: Friday, December 30, 2011 8:53 PM
Subject: ang pasko namin dito ...Fw: Fwd: Happy New Year!

Dear Honor,

tulad ng sinabi ko kanina, ay sinubukan kong gawing kanta sa tagalog yong sulat mo tungkol sa pasko nyo diyan...at ito na ang naging takbo ng aking kanta...
pero bago noon, hayaan mong bumati muna ako...Manigong bagong taon sa inyong lahat...nakatuwaan ko lang na isulat sa kanta ang sulat ni Tita Honor na nasa ibaba parang pambagong taong kanta ko na ito....kasi parang tula o kanta ang pagka ayos ni Tita Honor sa kanyang sulat... sana magustohan nyo ito:

ang pasko namin dito, (december 25, 2011) lyrics/melody by lolo bomboy

intro:

ito ay isang kanta na hinango ko sa sulat ni Tita Honor
tungkol sa kanilang naging pasko dito:

letra:

manigong bagong taon sa lahat sa inyo,
kamusta naman ang inyong naging pasko,
nagpunta kami kila Perlynn noong sabado,
limang oras din sa kotse ang biyahing ito...

umalis kami nang alas nueve ng umaga,
dumating kami alas dos ng hapon na,
ako ay naghain ng tanghalian sa la mesa,
mga gulay na may langonizang kasama...
at si Carolynn ang naghanda ng merienda...

ang hapunan namin ay alas sais na ng gabi,
may hamon at saka tilapia pa mandin kami,
naglipit at nagkuhanan ng letratong kay dami,
at nagsimba naman kami alas nueve ng gabi...

pag-uwi namin kami ay nagmerienda naman,
pagkatapos ay nagligpit kami ng kina-inan,
medyo inabot na kami ng ala una ng umaga,
saka pa lang kaming lahat ay nagpahinga na....

nagalmusal kami ng tinapay at naiwang hamon,
pasko na nga nang umaga ng kinabukasan noon,
pagkalinis ng la mesa, kami na ay nagsipagligu-an,
nagpaletrato, nag palitan ng regalo, at nananghalian...

alas sais na ng hapon ang sumunod na hapunan,
may handa kaming pabo at menudong kay inam,
si Lizzie at may pansit na may kasamang gulay,
at saka naglaro din kami ng WII sa loob ng bahay....

nanalo ako sa badminton at sa bowling ay talo ako,
sila Lizzie at Carolynn naman ang nagkampeon dito,
nanood kami ng "Rise of the Apes " na kay ganda,
nakatulog kaming lahat mga ala una na ng umaga...

umuwi kami lunes na nang pagkatapos ng pasko,
medyo nakatulog kami nang matagal sa araw na ito,
naka-alis kami pagkatapos magalmusal ng alas dose,
sa bahay ay alas sinco ng hapon nang dumating kami...

si El ay dumating din at nakasama namin noong pasko,
at aalis naman ulit sya sa linggo, unang araw ng Enero,
dumalaw muna sya sa New York doon kay Carolynn,
at sabay na silang dalawang nagpunta kila tita Perlynn...

na-una silang dumating doon ng isang oras kesa sa amin,
ikuwento naman ninyo ang naging pasko ninyo sa akin,
siguradong naging masaya kayo diyan na magpapamilya,
pasko ay masaya kung ang mag-anak ay magkakasama...
-----------

Happy New Year to all !!!!!

regards,
lolo bomboy

Friday, December 30, 2011

isang pamaskong biyaya ang letrato nating ito, december 25, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

merry christmas


isang pamaskong biyaya ang letrato nating ito, december 25,2011, lyrics/melody by lolo bomboy
by Lolo Bomboy on Sunday, December 25, 2011 at 10:57am




isang pamaskong biyaya ang letrato nating ito...
december 25, 2011,lyrics/melody by lolo bomboy
at 10:43am

lyrics:

kay ganda naman nitong letratong kuha ninyo,
kasi ngayon pati si lola at ako ay kasama na dito,
nagpapasalamat kami na nagkasama sama tayo,
bago pa sumapit ang araw ng pasko sa taong ito...

noong gabing may biglang kumatok sa pintuan,
ako'y nagtaka kung sino kaya yong nananawagan,
sa bintana ay dahan dahan ko pa kayong sinilip,
na darating kayo ay walang wala sa aking pagi-isip...

noong isang taon sila kuya jun, ate annie, at adrienne,
ang inyong biglang nakita at nakasama doon sa daan,
isang malaking biyaya iyon na galing pa sa kataas taasan,
nakuha sa isang letratong di kukupas magpakailan pa man...

maligayang pamasko itong letrato natin para sa ating lahat,
isang biyaya na sa Panginoon ay dapat nating ipagpasalamat,
sa pahintulot Niya, bago pa man sumapit ang araw ng pasko,
tayo ay nagkasama samang lahat dito ng isang buong linggo...

"Silent Night" sa romblomanon at tagalog, december 25, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

Happpy New Year ( Silent Night sa romblomanon/tagalog)

Wednesday, December 28, 2011 9:35 AMMessage body

sa lahat:

Happy New Year sa inyong lahat...

buti na lang at binigyan ako ng kaibigan ko dito sa Georgia na si Adel Madali ng idiya tungkol sa pagsalin ng "Silent Night" sa romblomanon o tagalog noong gabi ng pasko...sabi ko baka mahirap kasi maiigsi ang letra ng original at saka mahirap siguro kakong ma word for word... kasi mahahaba ang mga salita sa romblomanon at tagalog para sa "silent" at "holy".. kamukha kako sa spanish version, ang simula ay "Noche de paz, Noche de amor..." sabi ko yong "noche de paz" exacto..."silent night" pero yong "noche de amor"....hindi "holy night" kundi "night of love".... kaya medyo na isip ko, kahit hindi word for word, susubukan ko na rin...at saka gagawa na rin lang ako, bakit hindi pa sa romblomanon at tagalog na... at narito sa ibaba ang sa tingin ko ay ang final copy na ng aking romblomanon at tagalog version.... ang totoo, ako mismo ay nagulat sa aking version ng first verse ng kanta... kasi, ito na siguro ang pinaka halos word for word na magagawang pagsalin ng verse na ito sa romblomanon man o sa tagalog....at saka ito lang talaga ang aking sinalin sa mga salitang ito...yong ibang verses ng kanta sa english ay hindi ko na pinagtiyagaan isalin....gumawa na lang ako ng aking sariling mga verses sa tono ng "Silent Night..." sa tingin ko, puede na rin ito....

kaya malaking pasasalamat ko talaga kay ka Art P. Madulid isang kaibigan kong taga penaranda na nagturo sa akin na magsulat ng kanta...at saka sa mga kaibigan kong taga Romblon sa facebook, lalo na kay Wilson Berano , kasi sa kanya ako natoto na magsulat ng letra sa romblomanon, at kila Bobot Marin Prado at Ish Fabicon na nag udyok sa akin na mag-aral magsulat sa salitang romblomanon.... kung hindi sa mga kaibigan kong ito, hindi ako makagagawa ng aking romblomanon at tagalog version ng "Silent Night"...at bago pa dito, hindi ko sana nasulat yong romblomanon at tagalog translations ko ng "Mi Ultimo Adios" ni Gat Jose Rizal, at ang romblomanon version ko ng Tierra Adorada", ang original ng pambansang awit ng Pilipinas...

sana makapagbigay ito ng dagdag sa diwa ng pasko at ng bagong taon kahit papano...

happy new year to all:

regards,

bomboy


Silent Night sa romblomanon at tagalog, december 25, 2011, letra ni lolo bomboy,
by Lolo Bomboy on Sunday, December 25, 2011 at 8:25pm

Pahabol:

bago lumipas ang paskong ito, gusto ko lang ishare sa inyo ang lyrics na ito...baka puede pa nating kantahin bago matapos ang araw ng paskong ito...maraming salamat at merry christmas sa lahat....

Silent Night (romblomanon/tagalog)
december 25, 2011
letra ni lolo bomboy

letra:

O kahipos sa paligid,
kalibutan hay na-umid,
may nanay kag unga sa belen,
solong unga ng nanay nga birhen,
tuyog niya hay madayom,
tuyog niya hay madayom...

yari na Sya, ang Gino-o,
manunubos sang tawo,
nag-abot na ang unga ng Diyos,
sa belen guid ging unga si Hesus,
paskwa na sa aton
paskwa na guid sa aton...

kadayom guid, ang tuyog Nya,
sa belen, yadto Sya,
yadto da ang birheng Maria,
ang nanay, nag-unga sa-Iya,
Hari Sya ng tanan,
Hari guid Sya ng tanan
---------------------------

kay tahimik ng paligid,
kay payapa ng daigdig,
mayroong mag-ina sa belen
solong anak ng ina na birhen
tulog niya ay mahimbing,
tulog niya ay mahimbing

dumating na, ang Ginoo,
manunubos ng tao,
dumating na ang anak ng Diyos,
sa belen nga sinilang si Hesus,
Pasko na sa mundo
Pasko nga nga sa mundo.....
or
(nandon Sya no'ng pasko,)
(nandon nga Sya no'ng pasko..)

napahimbing, ang tulog Niya,
sa belen, naro'n Sya,
naro'n din ang birheng Maria
ang inang nagluwal sa Kanya
Hari Sya ng lahat
Hari nga Sya ng lahat
---------------
note: hindi ko lang matiyak kung tama ang indayog ng letra sa nota ng original na kanta....

pag-alala ninyo kay Kuyang Bert, december 28, 2011

Re: Merry Christmas to all!

Wednesday, December 28, 2011 10:02 AMMessage body

dear marivic,

buti pa nga kayo at nagagawa nyo pang maalala si Kuyang Bert sa paraang ginagawa nyo bilang bahagi ng inyong pagdiriwang sa araw ng kapaskuhan...sa lolo Badong mo at Lola Tina mo, sana meron din paraang katulad niyan para manariwa palagi ang kanilang mga ala-ala... sa ngayon, pilit ko pa rin sinusubukan magsagawa ng nasabing paraan tulad ng nasimulan na noong nakaraang pagtatanim ng ilang puno ng kahoy sa lupa nila sa Ginablan, Romblon, Romblon... si Julius Molo Costo ang nahilingan ko ng tulong sa bagay na ito... kaya nga lang ang trabaho niya ngayon ay nasa kabilang isla ng Sibuyan kaya tuwing Sabado at Linggo lang ata sya nasa Romblon, Romblon....parang hindi na rin niya maasikaso ang proyektong ito sa araw na dapat tulad ng birthday o death anniversary ng lolo at lola mo.... kaya kung makapagtanim man sila ng nasabing mga puno doon, nagagawa lang nila ito kung kailan sila nakakaluwag.....

sa events ng bmclan para sa enero ay may naitakda ulit akong araw para sa tree planting pero hindi pa rin tumutugon si Julius kung puede niya itong gampanan...wala din naman puedeng makipag-ugnayan sa kanya diyan tungkol dito kasi lahat ay may mga trabaho...kaya via facebook lang ang aking paraan para makapanayam si Julius....

tapos ako naman ay abala rin sa aking mga gawain tulad ng pag-aaral ng golf, at sa aking cardio exercise ngayon na 2 mile walk in place, at siempre sa pagsusulat ng sarili kong kanta at pagsalin sa romblomanon o tagalog ng kanta ng iba....pero kailangan ko ang mga ito, kasi mas mainam na ito kesa manood na lang ako ng television sa lahat ng oras... sa pagbabasa kasi ay parating rating lang ang hilig ko...matagal tagal na rinyong huling nobela na nabasa ko...siguro maghigit isang taon na....

o sige, maraming salamat sa letratong pinadala mo... happy new year sa inyong lahat diyan...more power to you...

love,
uncle

sagot ko sa sulat ni tita Honor tungkol sa pasko nila dito...

Fw: Fwd: Happy New Year!

Friday, December 30, 2011 8:54 PMMessage body
Sent: Friday, December 30, 2011 5:57 PM

Dear Honor,

Happy New Year!!!

natutuwa ako na nagkakaroon na ng magandang kinapupuntahan ang paggawa ko ng letra ng mga kanta.... pati si Tita Honor ay naging inspirado na gumawa ng kaniyang sariling paraan na magsulat ng kwento sa paraang kahawig ng letra ng kanta.... kung tutu-usin, itong ikiniwento ni Tita Honor dito ay puedeng gawing letra ng kanta...kunting tiyaga lang ang kailangan...kasi kung mapapansin natin, karaniwang letra ng mga kanta ay kwento ng buhay, o yugto nito, o isang karanasang ng tagumpay o kabigu-an sa larangan ng pagibig, o iba pang bagay... o tungkol sa anu mang pakiramdam sa buhay....

ang maikling kantang "Silent Night", kasi kaspaskuhan pa rin ngayon, ay kwento ng kapanganakan ni Hesus..isinasalarawan ang kalagayan ng kapaligiran noong gabing iyon,

"Silent Night, Holy Night, All is calm, All is bright..."
kung sa tagalog mahirap sabihin ito....kasi hindi tatama sa nota ng kanta ang:
"Tahimik na Gabi, Banal na Gabi, Lahat ay payapa, Lahat ay maliwanag"....
kaya ang sinulat ko ay:
"Kay tamhimik ng paligid, kay payapa ng daigdig"...
yan ay tatama sa nota ng kanta pero hindi talaga eksakto sa letra ng kanta ito... tapos yong
"Round yon Virgin mother and Child, Holy infant so tender and mild,..." mas mahirap ito isa tagalog....
"Bilog doon sa birheng ina at anak, Banal na sanggol kay lambot kay banayad...." kaya ang ginawa ko na lang ay
"Mayroong mag-ina sa belen, solong anak ng ina na birhen"....kasi mas tatama sa nota ng kanta....
"Sleep in heavenly peace, Sleep in heavenly peace....}
"Natutulog sya ng payapang makalangit, Natutulog sya ng payapang makalangit...." hindi din ito kakasya sa nota ng kanta....kaya ang sinulat ko ay,...
"Tulog niya ay mahimbing, Tulog niya ay mahimbing".... kaya kung ihahambing natin ang mga letra ng kanta, ito ang lalabas:

silent night, holy night --- kay tahamik ng paligid,
all is calm, all is bright --- kay payapa ng daigdig,
round yon virgin mother and child --- mayroong mag-ina sa belen,
holy infant so tender and mild --- solong anak ng ina na birhen
sleep in heavenly peace --- tulog niya ay mahimbing
sleep in heavenly peace --- tulog niya ay mahimbing

---------

sa madaling sabi ay nakukuha na ni Tita Honor ang idiya ng pagsulat ng letra ng kanta...nalampasan na niya ang unang hakbang sa pagsusulat nito... kailangan na lang ng melody....tungkol dito, noong una ay naghahanap ako ng tono sa bawat kanta na sinusulat ko tapos yoon ang nilalagyan ko ng letra... mahirap ito kasi pagkatapos, kailangan na isa-ulo dalawang bagay: ang letra ng kanta, at ang tono ng kanta... kaya nitong huli, isang tono na lang ang ginagamit ko sa pagsulat ng kanta....kaya isa na lang ang aking kinakabesa kung gusto kong makanta ang isang kanta ng hindi tumitingin sa mga letra....

kaya kung gagawing letra ng kanta sa tagalog ang unang stanza ng sulat ni Tita Honor, ay ito ang puede kong gawin...

Manigong Bagon Taon sa lahat sa inyo...
Kamusta naman ang inyong naging pasko...
nagpunta kami kila perlyn noon sabado..
sa kotse ay limang oras ang biyaheng ito...

at kung titingnan natin mas madaling basahin yong ginawang paraan ni Tita Honor sa pagkwento niya ng naging pasko nila kila Tita Perlyn kasi nga parang letra ng kanta ang ginawa niyang pagsusulat....titingnan ko kung magagawa kong letra ng kanta yong sulat niya ng buong-buo....baka sakaling makasulat ako ng isa pang kanta para sa bagong taon....

Happy New Year ulit sa inyong lahat....

regards,
lolo bomboy

sulat ko kay Mawic tungkol sa mga ginagawa ko ngayon...december 30, 2011

Re: Merry Christmas to all!


Friday, December 30, 2011 6:34 PMMessage body

Dear Marivic,

Happy New Year!!!

sa fam madrid fb, may mga picture doon ang lola mo na pinost ni Glenn Kopp.. solong mga pictures niya ito noong nasa ohio sya...ewan ko kung puede mo itong kopyahin at palakihin...meron din letrato ang lolo mo doon ng bata pa sya sa Cepoc, Romblon kung saan sya ang cashier at paymaster....ganun din, ewan ko lang kung puede mo itong kopyahin at palakihin...

yong tree planting, okay na rin yon kasi dapat matoto si Julius na alagaan yong mga maliliit na piraso ng lupa ng lola at lolo mo sa romblon....kunting tiyaga lang ang kailangan sa pagpapa-alala sa kanya.... yon din naman ang isang purpose ng project na ito...para nga maging involved si Julius sa bagay na ito kasi sya lang ang puede nating asahan sa gawaing ito...sya na bale ang ang may roots doon ngayon...sila na lang nila Anita.... kung gustong sumali sila Anita ay puede rin naman....kaya lang hindi ko alam ang mga balak nilang mag-anak....si Julius ay interesado sa bagay na ito... nakapagtanim na nga sila ang ilang puno doon noong nakaraan.... sabi nga niya sila na ang bahala sa mga itatanim kasi sabi ko bigyan niya ako ng estimate ng gastos...sa katagalan, sila Julius din naman ang magiging taga alaga sa mga lupaing ito kahit hindi na tayo kasali....gusto ko lang na laging nasa pangalan nila lola at lolo mo ang mga lupa at laging maitanim sa alaala ng mga kapitbahay nila doon ang pangalan nilang dalawa....

tama yong sinabi mo...hindi puede na wala akong gagawin araw araw...kaya kailangan ko talagang kumilos, magsulat at magexercise... noong nasa high school ako, sulat lang ako ng sulat, lalo na kung sabado at linggo kung hindi ako naglalaro ng basketball sa plaza....hindi naman kasi in born ang kakayahan ko sa pagsusulat di tulad noong mga magaling talagang mga writers... siguro kasi hindi nga masyadong uso sa amin yong pagiging wide reader....kaya limitado ang aking vokabularyo... ang malaking pagbabago pa, ay hindi ako marunong sumulat ng tula noong panahon na iyon.... kaya puro essays at oration pieces ang sinusulat ko...si lolo mo ang taga correct ng mga ito at sya ang nagaayos at nagpapaganda nito...natatandaan ko pa ang comment niya na rumbling daw ang mga sentences ko....kaya inaayos pa niya ang mga ito....

ngayon, mga letra ng kanta na ang sinusulat ko....mabuti talaga yong natutuhan ko sa kaibigan kong taga penaranda na si Ka Art P. Madulid...sya ang nagturo sa akin ng pagsulat ng kanta....at saka noon ay english o tagalog ang sinusulat kong mga letra....ngayon ay pati romblomanon na kasi masyado akong tinuligsa ng mga fb na kaibigan ko na mga taga romblon na dapat akong matotong magsulat sa aming salita doon...tatlo ang salita doon...romblomanon, unhan at asi....pero siempre rombomanon ang salita sa bayan ng romblon kaya yong lang ang puede kong gamitin sa pagsusulat....kamukha kagabi, may nagcomment na dapat daw mahalin ko ang salita sa romblon, doon sa sinulat kong kanta sa tagalog tungkol sa letrato namin dito sa bahay noong bago magpasko....kaya kagabi din ay gumawa ako ng kantang, " Hambay naton sa Romblon dapat guid naton palanggaon...." natapat naman na Rizal Day pala ngayon kaya nasuertehan na may kanta ako para sa araw na ito...ang sabi ko nga pag share ko nito sa mga kaibigan ko: " daw si Rizal ang naghambay nga ang tawo nga waya gapalangga sa iya kina-ugalingon nga hambay, hay mas kalulu-oy pa sa hayop o sa malansa nga isda....."

tapos kanina ay nabasa ko yong sulat ni Tita Honor tungkol sa pagpunta nila kila Tita Perlyn noong pasko na parang stanzas ng tula o kanta ang pagka sulat niya sa english... sabi ko, mabuti at nakukuha na ni Tita Honor ang idiya sa pagsulat ng letra ng kanta....kaya yong first paragraph ng sulat niya ay ginawa kong letra ng kanta sa tagalog:

"Manigong bagong taon sa lahat sa inyo,
Kamusta naman ang inyong naging pasko,
nagpunta kami kila Perlynn noong sabado,
limang oras din sa kotse ang biyaheng ito...

bibigyan kita ng kopya ng sagot ko sa kanya....At Happy New Year sa inyong lahat diyan...

love,
uncle

ang pasko namin dito (december 25, 2011), lyrics/melody by lolo bomboy

ang pasko namin dito ...Fw: Fwd: Happy New Year!

Friday, December 30, 2011 8:53 PMMessage body

Dear Honor,

tulad ng sinabi ko kanina, ay sinubukan kong gawing kanta sa tagalog yong sulat mo tungko sa pasko nyo diyan...at ito na ang naging takbo ng aking kanta...

pero bago noon, hayaan mong bumati muna ako...Manigong bagong taon sa inyong lahat...nakatuwaan ko lang na isulat sa kanta ang sulat ni Tita Honor na nasa ibaba parang pambagong taong kanta ko na ito....kasi parang tula o kanta ang pagka ayos ni Tita Honor sa kanayng sulat... sana magustohan nyo ito:

ang pasko namin dito, (december 25, 2011) lyrics/melody by lolo bomboy

intro:
ito ay isang kanta na hinango ko sa sulat ni Tita Honor
tungkol sa kanilang naging pasko dito:

letra:

manigong bagong taon sa lahat sa inyo,
kamusta naman ang inyong naging pasko,
nagpunta kami kila Perlynn noong sabado,
limang oras din sa kotse ang biyahing ito...

umalis kami nang alas nueve ng umaga,
dumating kami alas dos ng hapon na,
ako ay naghain ng tanghalian sa la mesa,
mga gulay na may langonizang kasama...
at si Carolynn ang naghanda ng merienda...

ang hapunan namin ay alas sais na ng gabi,
may hamon at saka tilapia pa mandin kami,
naglipit at nagkuhanan ng letratong kay dami,
at nagsimba naman kami alas nueve ng gabi...

pag-uwi namin kami ay nagmerienda naman,
pagkatapos ay nagligpit kami ng kina-inan,
medyo inabot na kami ng ala una ng umaga,
saka pa lang kaming lahat ay nagpahinga na....

nagalmusal kami ng tinapay at naiwang hamon,
pasko na nga nang umaga ng kinabukasan noon,
pagkalinis ng la mesa, kami ay nagsipagligu-an,
nagpaletrato, nag palitan ng regalo, at nananghalian...

alas sais na ng hapon ang sumunod na hapunan,
may handa kaming pabo at menudong kay inam,
si Lizzie at may pansit na may kasamang gulay,
at saka naglaro din kami ng WII sa loob ng bahay....

nanalo ako sa badminton at sa bowling ay talo ako,
sila Lizzie at Carolynn naman ang nagkampeon dito,
nanood kami ng "Rise of the Apes " na kay ganda,
nakatulog kaming lahat mga ala una na ng umaga...

umuwi kami lunes na nang pagkatapos ng pasko,
medyo nakatulog kami nang matagal sa araw na ito,
naka-alis kami pagkatapos magalmusal ng alas dose,
sa bahay ay alas sinco ng hapon nang dumating kami...

si El ay dumating din at nakasama namin noong pasko,
at aalis naman ulit sya sa linggo, unang araw ng Enero,
dumalaw muna sya sa New York doon kay Carolynn,
at sabay na silang dalawang nagpunta kila tita Perlynn...

na-una silang dumating doon ng isang oras kesa sa amin,
ikuwento naman ninyo ang naging pasko ninyo sa akin,
siguradong naging masaya kayo diyan na magpapamilya,
pasko ay masaya kung ang mag-anak ay magkakasama...
-----------

Happy New Year to all !!!!!
regards,
lolo bomboy

Sunday, December 25, 2011

family history - acejas in romblon

Madrid Bmclan family tree


family history - acejas in romblon by Fam Madrid on Thursday, October 28, 2010 at 5:45pmSat, February 13, 2010 11:22:39 AM

Re: family history

dear chris,

si berting yong first na apo ng parents ko... kaya lang nagkaron siya ng problema sa kidney after several yrs na naging priest sya sa isang parish sa romblon... dahil ata sa alat ng tubig doon... kaya maaga siyang nawala.... syang nga eh... matanda na yong family namin... dalwa na lang nga kami na natitirang magkapatid... yong pinakamatanda naming sister at ako na lang... pero sakitin na rin ako..at matanda na rin... kaya nga gusto kong magawa ang ating family tree para sa benefit ng mga apo namin... kasi pag di nila nakita yan, wala na, di na nila kayo makikilala at ganon din kayo... di na nyo sila makikilala... tulad ng mga acejas sa zamboanga... di na natin alam kung ano talga ang ating relations... kayo na lang dyan sa capiz ang puedeng ma trace na relatives ni papa...kaya ko sinusulat ang diary ko para sa mga apo namin...

sana bigyan mo ng time itong project na ito for the sake of the future generations of acejas... sa mother side ko ok na halos yong amin family tree...kasi nagcooperate kami halos lahat sa mga projects namin... buti na lang at may facebook at medyo na trace ko rin kayo at pati na yong mga taga zamboanga ay sumusulat na din sa akin at may family tree na rin silang naibigay sa akin..nasa facebook pa kaya iilipat ko pa sa email ko para mailagay ko sa diary ko..

lolo

Sent: Sat, February 13, 2010 2:19:23 AMSubject: Re: family history

lo, tnx for sharing this diary of yours, hope it will continue, for us to know more about the acejas family,,,, btw, is Norberto a priest now? where? tnx lo, godbless...

Saturday, February 13, 2010, 11:27 AM


dear christopher,

para meron ka rin idea ng family tree namin dito sa romblon, pinoporward ko sayo yong isang page ng diary na may isinulat akong kunti tungkol sa lifestory ng pamilya namin doon... yong mga kapatid ko na hindi nag graduate sa romblon high school ay yong dalawang pinakamatanda naming kapatid.. si ate aurora at ate rosing.. parang sa nueva ecija sila nag-aral... at si ate aurora ay naging valedictorian din sa high school... ang alam ko, ang father ko ay naging salutatorian sa central luzon agricultural college, high school...

ok hanggang dito na lang muna...

regards,
lolo bomboy



dear diary,

i have a friend from romblon who is now a doctor somewhere in california who has devoted himself to an annual project in romblon in connectionwith the printing of the souvenir program for the town fiesta.

i understand that over the years, he has contributed to the cost ofprinting this souvenir program in the name and honor of his late fatherand mother. he appeals in the space where his compliments or greetingsappear that the townspeople of romblon to always remember his fatherand mother.

we, who belong to the family of our parents, Salvador B, Acejas, Sr. andFlorentina J. Acejas, i believe, can also undertake such a project sothe people in romblon will always remember them too.

after all, kuyang salvador, ate ester, kuyang ted, kuyang pepito andmyself all graduated from the romblon high school. and so did most ofthe children of ate rosing including gary or bobot, manding, pio, roger,mario, marcelo, anita and rose costo. and so also did, the children ofkuyang salvador, including boy III, lilia, totoy, and alice, and maybeothers. from school due to the adverseeffects of a strong typhoon that hit romblon at the time, only to comeback to school and join our class when were in second year. he was namedour pmt batallion commander in our senior year, and he,in fact, becameour valedictorian too. in capiz where he obtained his priesthood. ofcourse, papa helped in this through the salary he earned from his job atthe marble company in the town.

kuyang pepito and roger costo graduated valedictorian of theirrespective classes. kuyang ted was elected president of the student bodyin his senior year and graduated first honorable mention.

kuyang salvador, kuyang ted, and kuyang pepito were in succession thebatallion commanders of the the pmt corps. i remember how papa was soproud of this accomplishment of my elder brothers, and i knew that hewould have been prouder still if i also were able to complete the featin my senior year. but it was not to be and i did not make the honor.

when i was younger, i always wondered why the sari-sari store mamaoperated in romblon, romblon carried
the name Madrid Store. it was onlyvery much later that i learned she named the store after her own mother,Bibiana Madrid...

i guess it was her own way of paying respect and gratitude or loyalty toher mother. and i suspect the same contributed much to the success thatmama achieved in the conduct of the business of the store.

that's how she sent all of us her children and even some of hergrandchildren to college, including her oldest grandson, norberto, tothe catholic seminary

i will continue this next time because it's time to go to bed.

isang pamaskong biyaya ang letrato nating ito, lyrics/melody by lolo bomboy

isang pamaskong biyaya ang letrato nating ito, december 25,2011, lyrics/melody by lolo bomboy by Lolo Bomboy on Sunday, December 25, 2011 at 10:57am



isang pamaskong biyaya ang letrato nating ito...
december 25, 2011,lyrics/melody by lolo bomboy
at 10:43am

lyrics:

kay ganda naman nitong letratong kuha ninyo,
kasi ngayon pati si lola at ako ay kasama na dito,
nagpapasalamat kami na nagkasama sama tayo,
bago pa sumapit ang araw ng pasko sa taong ito...

noong gabing may biglang kumatok sa pintuan,
ako'y nagtaka kung sino kaya yong nananawagan,
sa bintana ay dahan dahan ko pa kayong sinilip,
na darating kayo ay walang wala sa aking pagi-isip...

noong isang taon sila kuya jun, ate annie, at adrienne,
ang inyong biglang nakita at nakasama doon sa daan,
isang malaking biyaya iyon na galing pa sa kataas taasan,
nakuha sa isang letratong di kukupas magpakailan pa man...

maligayang pamasko itong letrato natin para sa ating lahat,
isang biyaya na sa Panginoon ay dapat nating ipagpasalamat,
sa pahintulot Niya, bago pa man sumapit ang araw ng pasko,
tayo ay nagkasama samang lahat dito ng isang buong linggo...

Tuesday, December 13, 2011

"simbang gabi ko sa romblon," (tagalog version) dec 14, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

"simbang gabi ko sa Romblon," dec 14, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

intro:

sabi ng kaibigan kong si Florencio,
simbang gabi magsisimula na raw ito,
simbahan sa Romblon mapupuno ng tao,
para magpugay sa panginoong Hesu Kristo...

lyrics:

taon-taon bago pa sumapit ang pasko,
merong simbang gabi, yan ang tanda ko,
kaya kahit anong puyat pa at aking antok,
nasa simbahan ako bago tumila-ok ang
mga manok....

bilin ng tatay ko, mag-aral ako ng katekismo,
nasa simbahan ako tuwing hapon ng linggo,
bitbit din niya ako sa simbang gabi sa romblon,
nakikinig kami sa misa ng Pari at kanyang sermon...

kahit ano pa ang lamig sa umaga ng tubig,
naliligo ako, manginig man ang aking bibig,
dederetso kami ng tatay ko sa simbang gabi,
kahit simbahan ay punong puno sa bawat tabi...

ito ang istoryang hanggang ngayon ay tanda ko,
dahil ang simbang gabi ay bahagi na ng pasko,
magmula pa noong unang panahon ganito na ito,
simbang gabi'y dinadaluhan ng napakaraming tao...





maligayang pasko sa inyong lahat....



regards,

bomboy

Monday, December 12, 2011

"mga awit ng pagibig sa panahon ng pasko,,,", december 11, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

merry christmas sa inyong lahat...


‎"mga awit ng pagibig sa panahon ng pasko...", december 11, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy
Lolo Bomboy on 12 December 2011 Monday at 00:18.

lyrics:

napapansin ko lang na ang mga kaibigan ko,
nagiging romantiko sila sa panahon ng pasko,
mga tugtug na gusto nilang laging naririnig,
ay mga awitin ng pagmamahal at ng pagibig....

pero dapat lang sigurong ganyan ang mangyari,
dahil dala ng pasko ay pagibig para sa nakakarami,
sa laki ng pagibig sa atin ng ating Panginoong Diyos,
binigay niyang Manunubos, sariling anak na si Hesus...

kaya naman tuwing sasapit ang araw ng pasko,
itanim sana natin sa puso at isip ng bawat tao,
pagibig ng Panginoong Diyos sa buong mundo,
ay nadama nang isilang si Hesus noong unang pasko...

isa puso at isip natin sa araw araw ang diwang ito,
ang pagibig ng Panginoong Diyos sa buong mundo,
ay sumasa atin tuwing sasapit ang araw ng pasko,
noong isilang ang dakilang Manunubos ng lahat ng tao....

regards,

bomboy

"simbang gab -i ko sa Romblon", lyrics/melody by lolo bomboy

Tuesday, December 13, 2011 12:00 AM
"Simbang Gab-i ko sa Romblon," december 12, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy
by Lolo Bomboy on 12 December 2011 Monday at 01:47

intro:

hambay ng amigo ko nga si Florencio,
ang simbang gab-i hay magatuna na kuno,
simbahan sa Romblon puno sigurado ning tawo.
para magpahatag sinda kay Hesus, aton Ginoo:

lyrics:

kada tuig bag-o mag-abot ang paskwa,
hay igwa simbang gab-i natatandaan ko pa,
gani bisan pa ano guid ang akon kapilaw,
yadto kami sa simbahan bag-o magsubat
ang adlaw,

hambay ng tatay ko magtu-on ako ning katekismo,
kada hapon ng domingo sa simbahan hay yadto ako,
bitbit da niya ako pakadto sa simbang gab-i sa romblon,
agud magpamati ako sa Pari sa iya misa kag sermon...

abaw bisan pa ano guid kalamig sa aga ang tubi,
naga paligos guid ako pagkatapos ko magbati,
kay ma deretso na kami nga duha sa simbang gab-i,
bisan ang simbahan hay kapuno puno na kag apiki...

imaw ina ang istorya nga hasta niyan hay tanda ko pa,
kay ang simbang gab-i hay parte na guid ng paskwa,
magtuna pa sa mga tawo nang una nga mga tiempo,
simbang gab-i ginakara guid ng damo nga mga tawo....



Note:



kwento ko lang ito tungkol sa simbang gabi namin ni papa

sa Romblon noong maliit pa ako....lagi kasi niya akong sinasama

sa simbang gabi noon....



yong intro: sabi lang doon ay ayon sa kaibigan ko magsisimula na raw ang simbang gabi...

yong lyrics: yon nga tungkol lang sa istorya ko sa katekismo at simbang gabi...



gusto ko lang maging masigla ng kunti ang pasko dito.... kasi halos walang mga ilaw at parol ng pasko.... merry christmas sa iyong lahat...



regards,



bomboy

Friday, December 9, 2011

"Maikling awit ko para sa Penaranda," dec 9, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

.

maikling awit ko para sa penaranda, dec 9, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy



maikling awit ko para sa penaranda, dec 9, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

lyrics:
ang penaranda ang bayan ng aming impo,
sa lupain dyan isinilang ang nanay ko,
dyan din isinilang ang mga tiyahin ko,
at pati na ang kaisa-isang tiyuhin ko,

pati mga pinsan ko dyan din isinilang,
pero ako ay isinilang sa romblon naman,
binata na ako noong unang nakarating diyan....
noon ko nakilala ang ilan sa aking mga pinsan,

diyan ay may isa akong matalik na kaibigan,
ka art p. madulid ang kanyang pangalan
matiyaga niya akong tinuruan ng musika
at kung paano magsulat ng sariling kanta

taga penaranda din ang kabiyak ko sa buhay,
mula sa bayang pinagmulan ng aking nanay,
kung saan nandiyan din aking mga kamag-anak,
saan ako titira kung masusunod ang aking balak...

Thursday, December 8, 2011

"what good can christmas be, when there's no one here but me", dec 8,2011, lyrics/melody by lolo bomboy

"what good can christmas be, when there's no one here but me"..., december 8, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

lyrics:

what good can christmas be,
when there's no one here but me,
when those who are dear to me,
are so very far away...

others are luckier than me,
they have loved ones and family,
to share the christmas eve feast,
and all the season's fun and jest...

i wish you all a very merry christmas,
be thankful for memories to last,
with your loved ones and family,
your christmas will be so merry,
and this much i can say,
when december 25 comes around,
you will be among the lucky ones...

what good can christmas be,
when there's no one here but me,
when those who are dear to me,
are so very far away...

when those who are dear to me,
are so very far away...

note: tagalog version of "paano ba ang pasko kung nagiisa ako"...

Sunday, December 4, 2011

"paano ba ang pasko kung nag-iisa ako," dec 4, 2011. lyrics/melody by lolo bomboy

" paano ba ang pasko kung nag-iisa ako", dec 4, lyrics/melody by Lolo Bomboy on 4 December 2011 Sunday at 16:16.






lyrics:

paano ba ang pasko,
kung nagiisa ako,
kung malayo kayo,
mga mahal ko sa buhay ko...

mabuti pa ang iba,
magkakasama sila,
sa pasko ay meron silang,
pagsasaluhang noche buena,
paano naman ako,
kung sa pasko ay nag-iisa ako,
sino ang aking makakasama
sa aking noche buena...

maligayang pasko sa lahat sa inyo,
magpasalamat kayo,
magpapamilya ay magkakasama kayo,
walang kasing saya'ng pasko,
ang madarama ninyo,
pagsapit ng abentesinco,
maligayang pasko ay mapapasa-inyo...

paano nga ba ang pasko,
kung nag-iisa ako,
kung malayo kayo,
mga mahal ko sa buhay ko

Friday, December 2, 2011

reply to Marivic's email re picture of Ate....

Re: recent pix

Friday, December 2, 2011 7:15 PMMessage body

dear marivic,

ganda naman ng picture ni ate....masigla at malakas na lalo sya... sabi ko nga sa tita baby mo tatanungin ko kayo kung ano ang mga pagkain hinahain nyo sa kanya kasi gusto kong gayahin....baka sakali ako ay gumanda rin ang paki ramdam.... at lumakas ang aking katawan.... kami dito wala pang christmas tree at sa paligid ay kunti lang ang mga bahay na may christmas lights....bigla lang lumamig dito noon isang araw... doble doble ang suot kong mga panlamig...natakot kasi ako sa ginaw....pero medyo umiinit na naman muli...sa tv mukhang readyng ready na ang mga taga pinas para sa pasko....madami na ang mga ilaw at parol...anyway, kumusta na lang sa inyong lahat dyan....

si winnie hindi na ata nagbubukas nng fb....kasi binati ko ng happy birthday tila hindi niya ito napansin...baka busying busy sa work....si junix din parang hindi na rin nagbubukas ng fb nya...ilang beses na akong nagtanong sya kanya kung nakita na niya yong music video na pinagawa kila raf at butch para sa birthday song ko sa tita baby eh hindi sumasagot.... ito yong tagalog version ng "My Way..." gumawa ako ng lyrics para sa tita baby mo at ginamit ko yong melody at idiya ng "My Way" para sa birthday song ko para sa tita baby...yong isang version ay si Raf ang kumanta at si butch ang navideo...kaya lang parang limited lang ang availability nito sa fb sa mga friends lang ni butch sa private account niya...9 lang ang friends nya doon...yong isang version naman ay si badong sa saudi ang kumanta....nirequest ko kasi sya sabi ko pa birthday na niya sa tita baby niya...pumayag naman sya....kaya nga melody at idita ng "My Way" ang ginawa ko para nga makanta at magawan nila ng video kayit sa malayo ...ok naman...tuwang tuwa ang tita baby nyo...may visayan version din akong sinulat at pinakakanta ko doon sa isang apo ko sa pamangkin na taga capiz....pumayag naman sya...pero di pa niya navivideo...hinihintay ko pa....ito pa ang isang bagay na nakakatuwa sa fb....

tapos, may nakita akong post sa fb na baka huminto na raw ang fb next year....baka galing lang ito sa mga hackers ba ang tawag doon... anyway, sayang naman kung totoo ito... kaya dapat talaga ginagamit ng husto ang fb kasi pag nawala malaking kawalan....sayang...mawawalan tayon ng sariling dyaryo natin na makakalat sa mga kaibigan....mahirap kasi sa email gawin yong nagagawa sa fb....ewan ko lang yong blogs na tinatawag....meron na nga ako apat nito...pero mas mahirap ito kasi doon wala kang friends...kailangan maginvite ka nga readers....up to now iisa pa lang yong nagregister na fan ng blogs ko.....ni hindi ko alam kung nagoopen sya niyan every now and then....kung gusto mo magregister ka rin baka just in case magshut down ang fb mayroon pa rin tayong way other than email....ang mga blogs ko ay "my romblon page..." "my diary", my memroy" at "legal review page..." hindi ako sure dito sa huli....ewan ko kung mabubura pa ang mga ito just in case huminto yong free service nila para sa mga blogs.....meron pa pala ako isa "sanrokan.com"...." sa romblon naman ito pero puede din ang english at tagalog sa mga blogs...."lolo bomboy" ata yong blog name ko doon....kung may time ka, icheck mo ang mga ito...at tingnan mo kung pangmatagalan ba itong mga blogs na ito...

naipost ko na sa my romblon page yong lyrics ng bago kong kanta para sa pasko.... susulatan ko nga sana si beth kung puede niyang lagyan ng kanyang melody yong lyrics at ng makanta naman niya at baka kayang gawan ni denise ng video....katuwaan lang ba para maging masaya naman ang pasko....o kaya ay ikaw ang sumubok na maglagay ng melody at dyan kayo gumawa ng music video.... naipost ko na din yong tagalog at romblomanon lyrics ng "My Way" either sa my diary or my romblon page...ang ganda lang ng blogs na ito ay puede itong gamitin na parang fb doon sa mga ayaw pumasok sa fb for security reasons....at least puede ko pa din silang maabot ng hindi ko sila inaabala by email... kasi nasa kanila na yong kung gusto nilang ibrowse yon now and then....halos lahat na ng lyrics ng mga kanta ko ay nandoon na sa my diary blog ko....yong iba naman nating mga dating mga matters sa bm clan ay nandoon na sa my memroy blog ko...sana may magtiyaga sa inyo na magbrowse sa mga blogs ko.....

o sige na...kung maaari ay isulat mo sa akin yong diet ni ate para matingnan ko kung puede kong sundin....maraming salamat...

love,

uncle