Saturday, July 2, 2011

history ng bm clan birthday calendar

history ng bm clan birthday calendar.
Monday, February 22, 2010 at 12:30am

Re: my diary- bd calendar
Wed, December 16, 2009 3:02:34 PM



dear diary,

noong november 20, 2000 ko pa sinimulan ang pagbuo ng isang birthday at
anniversary calendar para sa mga kasapi ng family tree ni impong bibiana
madrid. sabi kasi nila ako daw ang dapat na maging family historian
dahil nga raw sa background ko pero sabi ko naman puede akong assistant
family historian na lang, kasi mas maganda kung si ate aurora ang syang
family historian.

itong pag-gawa ng nasabing calendar ay ayon na rin sa mungkahi ng mga
kasapi sa family tree ni impo, lalong lalo na si tita honor na siyang
unang nagmungkahi nito sa akin.



nabuo ko yong kauna-unahang kopya ng calendariong ito sa pamamagitan ng
isang email ko kay marivic noong ngang november 20, 2000 at isinulat ko
lahat doon yong mga birthdays at anniversaries mula january hanggang
december ng mga kasapit sa family tree ni impo.

ang mga ito ay nalikom ko mula sa iba't ibang mga kasapi din ng nasabing
family tree sa loob din ng matagal na panahon bago ko pa isinulat ang
nasabing email.



sinundan ko pa ito noong december 25, 2000 ng isa pang panibagong kopya
sa ilalim ng isang parang newsletter na ang pamagat ay BM Family Tree
Reporter. at doon sa back page nito ay naglagay ako ng isang notice na
ang sinasabi ay ganito:

Please send us info on birthdays and other anniversaries of members BM
Family tree not yet listed in this family calendar. Merry Christmas and
a Happy new year to all!!! Please make copies for each of your family
members.

hindi ko na lang matandaan ngayon kung sino sino ang mga napadalhan ko
nitong birthday at anniversary calendar na ito. pero malamang karamihan
dito ay yoong mga nandito lamang sa estados unidos at hindi ako
nakapag-padala sa mga nandoon sa pilipinas.

pagkatapos nito ay nagpadala pa ako buwan buwan ng mga email birthday
greetings sa mga may birthday buwan buwan. pang lahatan nga lang ang
ginawa ko kasi mahirap ding magtype ng birthday greetings sa webtv ng pa
isa-isa para doon sa lahat ng may mga birthdays buwan buwan.

at saka ang nasa isip ko ay siguro naman yong mga napapadalhan ko ng mga
nasabing emails ay gagawa na ng paraan para maipon nila lahat ng
nasabing emails para magkaroon na sila ng isang permanent file ng mga
nasabing birthdays.

kasi ang purpose sa tingin ko noong panukala na gumawa ako ng nasabing
calendar ay para yong mga kasapi ay magkaroon ng kopya na maitatabi nila
para maging reference nila sa mga darating na panahon.

anyway, napansin ko na kailangan na sigurong i-update ulit ang nasabing
birthday calendar at sinimulan ko na ito noong nakaraang mga buwan ng
november at december. kaya ang susunod na ipadadala ko ay yoong sa buwan
ng enero.

december 16, 2009

bomboy

Friday, July 1, 2011

In memory of Tia Juana

Sun, December 19, 2010 1:09:56 AM
Re: From Sonia
From: Bomboy 
To: wmohr
Cc: honor


dear sonia,




honor forwarded to me your email informing her that tia Juana has passed away... i am very sorry to hear this very sad news.... please accept our condolences ... i will write my children in the philippines so they could pay their lola Juana their last respects... i'll ask them to get in touch with their tita netty for details...

i could hardly believe what has happened because tia Juana seemed still so strong and healthy when we saw her in munoz during our last visit to the philippines...She even autographed two copies of her book, Pre-spanish Philippines, for our granddaughter justine and grandson aljon... her signature seemed to come from a steady hand and was quite legible...





i will now treasure even more the picture they had taken when she, josie and george, attended a mini family reunion in fairview...i have always taken pride that among all the nephews and nieces of tia Juana, it was only that house in fairview that she graced by her presence...also, i will now cherish even more the fact that baby and i were privileged enough to have a copy of her book autographed by her on Nov. 1, 1998, with the notation, "my remembrance to Bomboy and Baby - From the author..." i doubt if any nephew or niece of tia Juana has had the same privilege... and it was very opportune because she did it on her very birthday...

and how can i forget that evening when we visited gen malvar and you were about to go out for dinner with her at that filipino restaurant at edsa, together with yourself, bill, marissa ( i hope i got her name right), netty and joe, and so unexpectedly, we got invited to come along...

of course, i have many fond memories of tia Juana when i was still a very small kid when papa and i used to stay with you in gen malvar whenever papa had some official business to do in manila... those daily evening rosary hours we had...how can i ever forget them....and i also fondly remember that one summer vacation when we worked with tia Juana making the papier-mache for dolls when she and netty were in the doll making business...kuyang romy, pepito, doring, and even kuyang salvador worked for tia Juana at the time...

i will certainly miss tia Juana very much...

regards,

bomboy

From: "Honor
To: bomboy
Sent: Sat, December 18, 2010 11:09:30 PM
Subject: From Sonia

death anniversary ni Mama, munting pa-ala-ala lang:

Fri, January 21, 2011 3:45:30 PM death anniversary ni mama

munting pa-ala-ala lang:





gunitain sana natin ang araw ng kamatayan ni mama, Florentina J. Acejas,
noong january 27, 1983.


Ipanalangin natin:

mag-alay tayo ng isang mataimtim na panalangin para sa kanya at ating
isa isip at isa puso lahat ng mga kabutihan at sakripisyo na ginawa niya
para sa kapakanan ng lahat ng kanyang mga anak at mga apo at iba pang
mga nakapaloob sa kanyang pamilya.

hilingin natin sa Panginoon na bigyan siya ng kaukulang pabuya sa lahat
ng nasabing kabutihan at sakripisyo niya.

naging mabuti at uliran siyang anak, asawa, ina, kapatid, lola, biyanan,
at kamag-anak, at naging matulungin siya sa kanyang kapwa.

minahal sya, at pati na si papa, ng mga tao sa romblon kaya naging maunlad yong "Madrid Store" na itinayo nila doon...patunay lang na naging mabuti sila sa pakikipagkapwa tao sa mga taga roon...

sana lagi natin siyang isama sa lahat ng ating mga panalangin at bigyan
natin siya ng papuri at pasasalamat sa lahat ng pagkakataon.

maraming salamat.
bomboy


ps




nagcommit sila Julius Molo Costo , apo ni ate Rosing, anak ni Bobot Costo at Tita Molo, na magtatanim sila ng ilang puno doon sa maliit na lupa nila mama at papa sa ginablan, romblon, romblon bilang pagunita sa araw ng kamatayan ni mama sa january 27, 2011... Natuloy ang pagtatanim na ito.

travels

Wed, January 19, 2011 4:24:36 PMRe:



dear diary,

sabi mo noon pag nakatapos na sa college mga anak ay magtratravel ka sa mga historical places di lang dito sa america kundi pati na sa buong mundo....buti pa si el na ivacation ka na as pilipinas noon...at saka sya hindi takot sa fbook... pati ata birthday niya nilagay nya doon... si carolyn ano na ba ang news sa kanya...kasi meron pamangkin yong isa kong classmate sa high school na nagmaster of law pala dito sa georgia at nakapasa na din sa new york bar... sabi ko nga meron din akong pamangkin sa pinsan na lawyer din dyan sa new york...sab ko baka magmeet sila....siguro malaki na ang kinikita ni carolyn...sila perlynn naka tour na sa europe tapos ngayon dyan naman sa pilipinas... sila josie nakarating na rin sa europe at south america... sila kuyang ted at ate ine nakatour din sa europe at sa ilang places sa pilipinas noong umuwi sila noon... tapos sila carolyn at irene ay nakapagtour na rin sa europe....ewan ko yong iba nating mga pinsan kung saan saan na sila nakarating...



ano kaya ang mabuting gawin natin para mapaglapit lapit natin ang ating mga pinsan sa atin mga ibang kamag-anakan... pati yong mga kabataan sa pamilya ngayon parang hindi interesado sa family tree project... kasali naman sila sa fam madrid na fb...pero hindi nila kilala yong mga magkakapatid na sila tia juana...noong namatay nga si tia juana wala man lang sa kanilang sumali doon sa prayer request ni uncle doring....si marivic lang ata ang nag respond...

dapat siguro tawagan mo sila ng tawagan tapos ikwento mo na lang sa akin o sa lahat ang mga nangyayari sa mga buhay nila...

regards,
bomboy

--------------------------------------------------------------------------------
Sent: Wed, January 19, 2011 11:42:40 AM
Subject: Re: (no subject)

el took me home on his first vacation from the war zone.
am waiting for carolyn to bring me home.
my husband is still working to pay for our medical bills (breast cancer) and the college parent's loans
all the kids are also paying off their student loans.someday......

message dated 1/19/2011 10:18:00 A.M.Eastern Standard Time:

busy pala ang skedule nila...buti na lang at karamihan dyan ay napuntahan ko na noong nag-aaral pa ako sa pilipinas...sa lukban, taga riyan sila ate zeny at nakapamiesta pa ko dyan noong nasa college ako kasi may naging kaibigan akong taga riyan...pagsanjan falls nagpicnik pa kami dyan nila tia juana at josie noong active pa sila doon sa balintawak association nila.. tapos, dyan din sa candelaria, quezon kami nagkaroon ng oratorical contest noon sa "voice of democracy"...kaya naglibot din kami sa mga karatig pook...sayang hindi sila dadaan sa villa escudero na isang magandang lugar dyan...yong subic nakapaglunch kami dyan kasama yong base comander noong naval base noon at kasama namin yong mayor ng olongapo...kasi noon may kaso akong pinupuntahan dyan na ang cliente namin ay ang editor-in-chief ng manila bulletin...kaya vip treatment ang binigay sa kanya doon sa base... pati ako nasama...pero iba na ngayon dyan...magaganda na raw ang mga villas dyan na pinagawa noong may apec meeting dyan at umattend si bill clinton...kayong mag-asawa, o maganak. kailan kayo papasyal sa mga lugar na yan...sabi mo nga habang kaya nyo pa yong matagal na biyahi....

Sent: Wed, January 19, 2011 8:10:51 AM
Subject: (no subject)

hi,

perlin and her classmates are now leaving aklan and boracay.
they are going to visit...
- pagsanjan falls
- kamay ni Jesus, lucban, quezon
- pagbilao
- queen margaritte hotel, lucena city
- hidden valley - lunch
- biak na bato, cabanatuan city
- hundred islands, pangasinan
- corregidor, bataan
- mapua, manila
- al supetran plan, laguna
- to subic
- check-in moonbay marina
- dinner dance at moonbay marina
- stay at moonbay marina
- field trip to art villasol hacienda
- astoria hotel, manila
- rest day, manila
End of Reunion - Chemical Engineers 1965 - 50 years!

Bobot

Fri, July 23, 2010 12:17:45 PM
Re: bobot


Hi Bomboy,
Sorry to hear the sad news. May Bobot rest in peace.
Regards,
Josie

Sent: Jul 22, 2010 7:32 PM
Subject: bobot



dear honor,

napadala ko na rin sa yo itong picture na ito kasi napulot ko sa facebook... nilagay ni elliot sa facebook nya... ang malungkot na balita ay nawala na si bobot costo na ikalawang anak ni ate rosing...sa facebook ko din unang nakuha ang balitang ito... ito naman yong balita sa amin ni jo acejas:

July 23, 2010 at 11:23am

Re: kuya bobot

papa & mama,

pasensya na po hindi na ako nakapag email kagabi, nung nag text po kasi si mama tulog na sila butch, wala po kami internet sa bahay.

ang sabi daw po ni manang tita ayaw daw po ni kuya bobot mag pa tingin sa doktor kahit na may nararamdaman na, nung wednesday po tumawag si manang tita kay butch sinabi na nasa hospital po si kuya bobot, nahihirapan daw po huminga kaya siya na po mismo ang nag padala sa hospital. sobra taas daw po ng creatinine at naka respirator na po, sinabi po ni manang tita kay butch na hinanda na daw po nila yung sarili nila kung ano man daw po ang mangyayari kay kuya bobot. kagabi po tumawag si tita zeny kay butch at sinabi na namatay na po si kuya bobot.

sa grace park daw po nakaburol. di ko lang po alam kila butch kung kailan kami pupunta.



kaya kanina, nagpagawa ako kay benjie na husband ni netnet ng ilang copies noong "search for your dreams" cd ng mga songs na sinulat ko noon.... kasi yong song number 9 sa cd na ito ay si bobot ang kumanta... bumili na nga sa akin ng isang kopya yong apong kong si tintin.... at a complimentary price.... balak ko ipadala ito to anyone na gusto ng kopya in loving memory of bobot....para once a year at christmas time ay mapakinggan nila ang boses ni bobot kasi ang title ng song na kinanta niya ay "christmas bells..." just let me know where to send it to.... kasi baka wala na ako noong address nyo...

regards,
bomboy

Fam Madrid

Tue, February 23, 2010 1:25:35 PM
fam madrid



dear diary,

dahil sa isang idea galing sa isang member ng ating family tree, ay nakapagbukas kami ng isang facebook page para sa mga members ng acejas family... ginawa ito noong bale apo ko sa pinsan sa capiz... tapos, sa tulong niya, ay gumawa din ako ng page para naman sa mga members ng family tree ni impo... ang pangalan nya sa facebook ay fam madrid... yong mga dating emails na yong iba ay lumabas na din doon sa bm clan newsletter ay inilagay ko na doon.. pati yong mga lumang family trees nila kuyang romy, sorcio, amang at boy paulino.... pati na ata yong kila tio imo... tapos, nilimit naman ni net yong puedeng magbasa nitong page na ito sa mga members lang ng bm clan... yong historical sketch na sinulat noon ni sorcio tungkol sa hernandez branch ng family tree ni impo at yong pinagusapan nila ni kuyang ted tungkol sa pagkadonate noong lupa daw sa penarand para gawing palengke ay nandoon na din sa page na ito... ewan ko kung interested pa kayo sa project ng bm clan... ang purpose lang naman nito ay yong mailagay sa kaalaman ng mga mas batang members ng family tree yong mga bagay na may kinalaman sa kanilang mga ninono.. tulad noong sinulat ni kuyang ted tungkol sa grandfather namin na si silvino jimenez... at yong tungkol kay itay paulino... hindi ko lama kung naisama ko na ito doon sa facebook... yong sa hernandez side naman, maganda yong sinulat ni sorcio tungkol dito... halos lahat ng mga members sa side ng acejas ay member na ng both facebooks... fam acejas at fam madrid... si paulito na anak ni boy paulino ay member na sa fam madrid... mas madali kasi mag circulate ng mga news at information through facebook kesa sa bm newsletter na kailangan pang iprint at ipadala sa koreo... tulad ni alice acejas anak ni kuyang salvador...di naman sya active noon sa bm clan newsletter... pero dahil nagmember na sya sa fam acejas ay nakikita ko na yong mga travels niya sa australia at iba pa niyang gustong ilagay doon... yong email address ni fam madrid ay nasa itaas sa cc... kung mas gusto mong by email, baka dyan puede mong ipadala ang mga comments, ideas at iba pang news o information tungkol sa bm clan project....

o sige na at kamusta na lang sa inyo....

regards,

bomboy

Hello from Josie

Sent: Wednesday, January 10, 2001 6:20 PM

Subject: Hello again




dear diary,

ang sarap lang makatanggap ng sulat galing sa mga kamag-anak tulad ng natanggap kong sulat na ito..ang saib dito ay:

Glad you had a nice birthday. Being able to eat Chinese dinner with
family, playing golf, having your mind & body healthy & intact, what
more can you ask out of life?

When I was home last Nov., I attended the funeral of one of our best
friends of 33 years.( After living away from the Phil for 35 yrs., he
chose to be buried at home) Our friend, an engineer, used to be very
healthy until he was diagnosed with Lou Gehrig's disease & he died 18
months later after being paralyzed from the nose down. He couldn't even
swallow food or liquid. Now everyday day that I wake up, I thank God I'm
alive & well.

Since I'm not working, I find great stimulation by doing the crossword
puzzles, & reading online magazines like "Slate" owned & run by
Microsoft. You may want to check it out when you get tired of reading
the Phil. online newspapers.

Enjoyed reading your e-mail about Doring & his children. Being away from
the Phil. for 34 yrs., I'm out of touch & I've never met any of Doring's
children except Olive. Glad to hear they're doing well.

Got to go. Take care. Say hi to Baby for me.

Regards,
Josie