Friday, April 18, 2014

THINGS I TRIED TO LEARN AFTER AGE 45 BY LOLO BOMBOY

Lolo Bomboy


things i tried to learn after age 45 by lolo bomboy Compartir. Hoy a la(s) 01:19 a.m.
Editar nota
Borrar

dear diary,



ito ay kopya lang doon sa isang email ko noong araw na pinadala ko sa isang cousin ko dito... para hindi ko na isulat ulit yong kwento ko dito tungkol sa aking buhay... share ko lang sayo... siguro, more than five years ago na itong sulat kong ito o mahigit pa... anyway, ito yong nakasulat doon:



maraming salamat sa birthday greetings nyo sa akin... siguro, bumalik

itong email nyo dyan kaya ipinorward na lang ulit nyo dito... hindi ata

kami nakakabayad sa webtv kaya lahat ng email dito ay bumabalik...

kausap ko si honor kanina at tinanong kung natanggap ko yong sagot niya

sa email ko kahapon at sabi ko wala pa akong natatanggap... tapos,

kausap ko naman si marivic at sabi ko iporward niya yong email ni honor

dito... pero bumalik din daw... buti na lang at pumasok na itong email

nyo at yong birthday email ni net... kung may kopya kayo noong email ni

honor paki subok ngang iporward nyo dito...



well, medyo hindi masyadong maganda yong pakiramdam ko ngayon kasi

siguro dahil sa ginaw dito... at saka pagod din ako sa kakaaral nga ng

espanol... bumali nga ako ng libro ng spanish sa walmart noong lunes at

sinimulan ko na nga itong pag-aralan kaya puyat din ako lunes ng gabi at

kagabi... tapos, pinilit ko pang itranslate yong kantang "historia de un

amor" para mas madali kong makanta ng mas maigi... tapos, nagdatingan

naman yong mga text nila butch at bing galing sa pilipinas at pati text

ni net dahil birthday ko nga ngayon... tapos, sinagot ko pa ng isa isa..

kaya hayon, hanggang umaga halos akong gising... tapos, pagkagising,

balik naman sa webtv para tingnan yong mga salitang espanol doon sa

kanta... may translator naman akong nakita sa webtv tungkol sa spanish

sentences kaya hindi na ulit ako nakatulog...



tapos, yong ngang tawag nila honor at marivic.... halos tig-iisang oras

yong dalawa kaya nagsawa sila sa kakasalita ko... kaya sayang nga at

maganda ang sikat ng araw ngayon dito... mukhang hindi kaya ng katawan

kong maglaro ng golf... pero kahapon, pinilit kong mag 18 holes... na

parang 36 holes na rin kasi dalawang bola ang pinapalo ko kada hole...

hindi naman ako nahirapan kasi naka golf cart ako...



siguro, hihiga muna ako sandali at pagkatapos ay babalikan ko naman yong

spanish lessons ko... pambihira talaga ito kasi 24 units ang tinapos ko

sa spanish sa college... pero hindi ako nag-aral ng ganito kahirap...



pero nakakatuwa din ko iisipin ang mga bagay na pinag-aralan ko tapos ng

college... nong siguro 45 yrs old ako, nag-aral ako ng sing-along sa

minus one... mga 1985-7 ito... nagbasa ako ng mga music books tungkol sa

mga 4/4 at 3/4 beats... nag-aral akong kumpas sabay ng tugtug... para

masanay akong kumanta ng sabay sa beat... buti naman at may tumutulong

sa akin na kaibigan na tumutugtug ng clarinete... noong medyo

nakakakanta na ako ng nasa tiempo, nag-aral naman kami nitong kaibigan

ko na gumawa ng kanta... siguro mga 1988-90 na ito... ang titulo nong

kanta naming nagawa ay " Stay with me, oh my love..." naging favorite

song ito noong isa kong kaibigan na fiscal naman at palagi niya itong

kinakanta sa missis niya... sabi nga noong missis niya sa akin na

gustong-gusto daw noong mister niya yong kantang iyon... yong unang

parte ay ganito kasi... "I will love you so much, you're my joy, you're

my life, I'll be there when you're sad, care for you oh my love... love

me too with all of your heart, care for me when I am sad, laugh with me

when I am glad, stay, stay with me oh my love...."



noong isang araw nga, sabi noong kaibigan ko ditong batang americano, i

need a girlfriend... sabi ko naman, i wrote a song for someone who needs

a girlfriend... kaya kinanta ko sa kanya yong unang parte noong

kanta..." I need someone who could love me, I want to know just how it

feels, I need someone who could love me, Show her to me, show her to

me..."



tapos noong marami rami na ako nagawang kanta ay nagsimula naman akong

mag-aral tumugtug ng gitara... pati yong kaibigan kong isang abogado na

60 + na ay nagkasugat-sugat yong mga daliri kaaaral ng gitara... pati

yong tumutugtug ng clarinete ay gumaya din sa akin... kaya hanggang

ngayon, pag nasa mood ako ay nagigitara ako dito sa kwarto... pagdating

kasi namin dito ay bumili kaagad si allan ng gitara para sa akin... at

meron din akong nagawang kanta dito na gustong gusto ring kinakanta...

ganito yon, " All alone for so long, I must cling to you now, if you

leave me my darling, I'll be lonesome all my life... There were times

when i thought, You would never come back, But the love I've been

hiding, Kept me hoping deep inside... Alone in the night i cried,

Because you were going away, The tears that I shed are dry, This time I

hope you would stay... Oh my love, won't you stay. oh so close to me

now, Let love you so dearly, Let me know that you are mine..."



tapos, mula siguro nong 1999 hanggang ngayon ay napunta naman ako sa

pag-aaral ng golf... marami-rami na ding sugat ng daliri ang inaabot ko

kaaaral nitong larong ito... at sakit ng bewang at mga braso at likod...

at sakit at paltos ng mga paa kalalakad sa golf course... pero okay

naman kasi enjoy sa laro....



ngayon, spanish lessons naman!!!



kaya itong birthday kong ito ay special kasi naibigay sa akin noong

kapatid ni tess kahapon yong mga letra ng kantang "historia de una

amor..." hindi ko kasi makanta ito noong araw na sikat ito sa

pilipinas...



ang alam ko kayang kaya ni uncle doring kantahin ito noon... ingit na

ingit nga ako sa kanya... at saka bilib na bilib ako sa kanya pag

kinakanta niya yong mga tony bennett na mga kantang sikat noong tulad ng

king of "broken hearts", "boulevard of broken dreams," "strangers in

paradise." "from the candystore to the chapel on the hill..." nasamahan

ko pa nga siya noong magaudition siya sa student canteen...



kaya kahapon palang sa golf course, panay na ang memorize ko ng

"historia de un amor..." yan ang theme song ng birthday ko ngayong taong

ito...



thank you ulit at baka mabura pa ito...



bomboy





ito pa rin yong manga na tinanim ko more than 10yrs ago...

over a year ago · Delete Post

No comments:

Post a Comment