Tuesday, August 30, 2011

fiesta sa romblon

Fiesta sa romblon, romblon(tagalog version), "jan 16,2011) lyrics/melody by lolo bomboy




ang fiesta sa romblon di ko makakalimutan

kasi dyan ako lumaki malapit sa pantalan

marami din akong ati-atihan na nasaksihan

......at may maraming tribu na mga sumali diyan



di ko kayang isalawaran ang mga ayos nila

iba iba ito at meron pang mga nakamaskara

saka may mga pinta pa ang mga katawan nila

at doon sila nagsasayaw sa gitna ng kalsada



kung minsan ay na aantala ang ati-atihan

si Senor Sto Nino ayaw umalis ng simbahan

ayaw Niyang pumyag siya'y bumaba sa altar

sa wari'y ayaw Niya kung saan siya ipapasyal



nooong araw daw Siya ay dadlahin sa acapulco

sakay ng barko ibabyahi Sya doon sa Mexico

pero si Senor Sto Nino ayaw umaliis sa romblon

kaya bumagyo at hindi natuloy ang biyahing iyon



pero nakaparaming beses pa din nilang sinubukan

dalhin si Senor Sto Nino sa gusto nilang puntahan

pero ang bagyo at ang unos lalo pang humagupit

kaya sa loob ng simbahan ay ibinalik nila Siya ulit



yan ang alam kong istorya ng biniiray sa romblon

yan ang istoryang naikwento nila simula pa noon

si Senor Sto Nino sadyang mahal nya ang romblon

hanggang ngayon mahal na Patron Siya ng tao doon



No comments:

Post a Comment