"awit ng pasasalamat sa araw ng kaarawan ko"...
Wednesday, August 10, 2011 11:07 AM
"awit ko ng pasasalamat ko", jan 10,2011, lyrics/melody by lolo
by Lolo Bomboy on 10 जनवरी 2011 Monday at 23:40
dear diary,
nakakatuwa naman at kahit hindi pa dumarating yong birthday ko sa taong ito, ay
binabati na nila ako..para pagpapasalamat sa kanila at lalo na sa Poong
Maykapal, sumulat ako ng awit ko ng pasasalamat...
"ang awit ko ng pasasalamat", january 10,2011, by lolo bomboy
or "ang awit ko tuwing malapit nang sumapit ang kaarawan ko"
intro:
maraming salamat sa inyo
sa inyong maagang pagbati,
sa labi ko ito'y nagbibigay
ng ilang magandang ngiti,
sana nga ako ay makagawa
ng kahit isang maikling awit,
makakanta ko pag kaarawan ko
ay malapit nang sumapit....
nakakatuwa naman
na bago pa dumating
ang kaarawan ko,
nagpapadala na kayo sa akin
ng masasayang pagbati nyo,
sana naman lahat ng pagbating iyan
ay maging totoo,
nang sa ganoon tunay ngang
maging masaya darating pang
mga kaarawan ko...
kung meron man ilan na hindi naka-ala-la,
o kaya'y naka-ala-la man pero na huli na
alam na alam ko na ako ay mahal pa rin nila
sa akin ay wala silang dapat na ipag-alala
sa Poong Maykapal ako'y nagpapasalamat
itong awit ko ay malapit ko nang maisulat
ito'y inaalay ko sa Kanya ng buong puso ko
dahil sumapit na muli isa pang kaarawan ko
isa pang simula ng bagong taon sa buhay ko
No comments:
Post a Comment