Tuesday, May 29, 2012

Si Juan at ang kanyang Amo, May 27, 2012

"si juan at ang kanyang amo," may 27, 2012


by Dina Matoto on Sunday, May 27, 2012 at 1:58pm ·."Juan, bago kita tanggapin bilang katiwala ko, kailangan bigyan mo ako ng listahan ng lahat ng ari-arian mo...at taon-taon ay bibigyan mo AKO ng bagong listahan ng mga ari-arian mo"

"Opo, boss!"

nilista ni Juan lahat nga ari-arian niya ayon sa bilin ng kanyang magiging amo...

"Ito na po boss ang listahan ng mga ari-arian ko..."

natanggap si Juan bilang katiwala at taon taon ay nagbibigay sya ng listahan ng mga ari-arian niya sa kanyang amo...hanggang isang araw:

"Juan, ano ba itong nababalitaan ko na mali daw itong listahan ng iyong mga ari-arian na binibigay mo sa akin taon taon.."

"hindi po,Boss...tama po ang mga iyan..."

"eh bakit lulumabas na kunti lang ang pera mo sa bangko na nakalista dito at may mga lupa kang hindi nakasama dito..."

"Boss, hindi akin yang mga iyan, at saka hindi 45 na mga lupa yan...5 lang po...at hindi ko po sinali sa listahan ko kasi hindi po akin ang mga iyan...sa mga anak ko yan..."

"eh bakit nasa pangalan mo ang mga iyan?"

"pero hindi po talaga sa akin yan... sa mga anak ko po..."

"tapos, Juan, P2,000.00 ang nilista mong pera mo sa bangko, pero may balita ako higit sa P50,000.00 ang pera mo sa bangko at may dollar ka pang di mo sinama sa listahan mo...$50,000.00 ata yon..."

"hindi po P50,000.00 yon kundi P25,000.00 at hindi din po yan sa akin...pinaghalo halo pong pera yan ng aking asawa at mga mana po niya iyan...at saka po di naman $50,000.00 ang dollar ko....$25,000.00 lang po at yan po ay noong araw ko pa po naiipon pati interes na di namin inaalis kasi matipid po kaming mag-asawa..."

"eh bakit di mo nga ito sinama sa listahan ng mga ari-arian mo..."

"kasi nga po, di ko po pera yong nasa piso...yon naman pong dollar ay bawal ho kasi sa batas na ibunyag ko yan...kasi sabi daw sa batas, sekreto daw po iyan..."

"ano Juan, eh di hindi mo sinunod yong bilin ko na bibigyan mo ako ng tamang listahan ng mga ari-ari-an mo taon taon..." "marami palang mga ari-ari-an na nasa pangalan mo ang titulo na hindi mo nilista dyan...pati na yong peso at dollar account mo di mo nilista...ano ang dapat kong gawin sa iyo...?"

END....

malapit na nating malaman ang kapalaran ni Juan... tatanggaling kaya sya ng boss niya o hindi?
ano sagot niyo: oo or hindi:_________

ang naging hatol: 20 guilty-3 not guilty.

No comments:

Post a Comment