"IF ni Rudyard Kipling sa pagkakaintindi ni lolo bomboy sa tagalog", May 24, 2012
dedicated to the memory of ths spouses,Salvador B. Acejas, Sr. and Florentina J. Acejas
kung kaya mong magpakatatag sa paninindigan,
habang lahat ay nalilito, at, sisi'y sa'yo binibintang
kung kaya mong magtiwala sa yong sarili
samantalang lahat sa'yo'y nag-a-alinlangan,
bagkos sila'y iyo paring naiintindihan,
kung kaya mong maghintay nang di na-i-inip
ni bahagya man,
o kung ikaw man ay mabitikma ng kasinungalingan,
di ka magsisinungaling kahit minsan,
o ikaw ay makamunghi-an, di mo magagawang
mamunghi sa sino man,
o magmalaki sa kilos o sa ano pa mang mga paraan,
kung kaya mong mangarap nang di ka
nagpapa-alipin sa iyong mga pangarap,
0 mag-isip nang di mo hinahayaang
maging puno't dulo ito ng hinaharap,
o harapin ano mang tagumpay o kabigu-an
at tanggapin silang magkasingtulad lamang,
kung kaya mong marinig mga pananalitang
nabitiwan,
pagbali-baliktarin at gawin bitag para sa mga
taong walang muwang,
o kaya'y masdang malansag ang mga bagay na
buong buhay mong pinaghirapan,
at isa-ayos muli ito sa gamit na matagal mo nang
pinaglumaan...
kung kaya mong ipunin sa isang kumpol lahat ng
iyong napanalunan,
at ipusta ang lahat sa isang sugal ng cara'y cruz
lamang,
at pagkaraang matalo'y magsimula muli sa iyong
pinanggalingan,
nang di ka man lang napabuntong hininga sa
laki ng iyong naging kawalan...
kung kaya mong pilitin ang puso, ugat at ang iyong
buong kata-ohan,
na ika'y pagsilbihan matapos na ang lakas ng mga ito'y
nawala na ng tuluyan,
maituloy mo lang ang lahat kahit wala ka nang
iba pang ina-a-sahan,
kundi ang tinig na nagsasabing "ituloy mo ang laban"...
kung kaya mong maki-isa sa mga dukha nang di ka
nakakaramdam ng kahihiyan,
o maki-da-op palad ka sa mga nakaka-angat nang
di nakakalimot sa abang pinagmulan,
kung maging ka-away o kaibigan ma'y di ka kayang
saktan,
kung ang karamihan ay uma-asa sa iyo nang ni isa'y di
uma-abot sa sukdulan,
kung magagawa mo sa di mapagpatawad na sandali,
ang katumbas ng animn'apu't segundong pagtakbo,
ang buong Mundo at lahat ng nakaploob dito ay
magiging iyo, at higit sa lahat, aking anak, magiging
isa kang ganap na TA-O
Georgia, May 24, 2012
No comments:
Post a Comment