Thursday, February 9, 2012

"Manalangin tayo na maka-iwas sa kasalanan, sakit at kalamidad", Feb 8,2012, lyrics/melody by lolo bomboy

"Manalangin tayo na maka-iwas sa kasalanan, sakit at kalamidad", February 8, 2012, lyrics/melody by lolo bomboy

by Lolo Bomboy on Wednesday, February 8, 2012 at 3:03pm

"Manalangin tayo na maka-iwas sa kasalanan, sakit at kalamidad"
February 8, 2012,lyrics/melody by lolo bomboy

letra:

paano na nga ba ang bukas para sa ating
mga kapwa tao,
na nawalan ng mga mahal sa buhay dahil
sa lindol, baha, at bagyo,
mga taong nawalan din ng mga tirahan
at walang masilungan,
at di malaman ngayon kung saan ang kanilang
mga pupuntahan...

ano kaya ang puede nating gawin para
tayo ay makatulong,
na sa kanilang paghihirap sila ay unti-unting
makabangon,
sana ipagdasal natin sila, araw araw sa
sa ating Panginoon....
mga buhay nila ay mapabuti uli sa lalong
madaling panahon...

ipanalangin natin sana sa mga oras na ito,
maibsan sana ang dalamhati ng mga
taong sinalanta ng lindol ng baha at bagyo,
mabigyan sana sila ng sapat na tulong para
bumuti ang kanilang mga kalagayan....
sana tayo'y laging tumawag sa Poong
Maykapal, tayong lahat ay iligtas Niya sa
lahat ng mga kapahamakan...

sana dumating ang panahon na wala ng
mga lindol, baha o bagyo,
sana sa lahat ng oras maganda ang sikat
ng araw, buwan, at bituin para sa mga tao,
sana ang buhay nating lahat ay malayo sa
sakit, gutom, at kalamidad,
sa bukid man, sa parang, sa mga bayan,
o saan mang mga ciudad...

hari nawa'y pakinggan ng Diyos nating
mahabagin sa itaas,
ating dasal na tayo sa kasalanan, sakit
at sakuna ay maka-iwas,
sana maging masaya tayong lahat sa mga
darating pang mga bukas,
at buhay ng tao sa mundong ito ay
maging matiwasay hanggang sa wakas...

No comments:

Post a Comment