happy thanksgiving
Thursday, November 24, 2011; 3:31 PM
maraming salamat sa iyong pagbati...
kanina noong magising ako at nanonood ng spanish tv at sinasabi nila doon yong mga bagay na dapat nating pasalamatan sa ating buhay...sabi nila dapat daw pasalamatan natin ang ating mga biyaya: ang mabuting kalagayan ng kalusugan, na wala tayong sakit; na meron tayong mga pamilya, mga magulang, asawa o anak, mga kamag-anak; o tayo ay may trabaho; may nakakakain sa araw araw; na tayo ay buhay pa; na nabubuhay tayo sa isang bansang malaya at tahimik, at marami pang iba mga biyaya....
oo nga, dapat tayong magalak na nasa atin ang lahat o karamihan ng mga biyayang ito....
pero naisip ko, paano ako matutuwa na meron ako ng mga biyayang ito samantalang meron mga taong wala ng mga ito....paano ako magsassaya na wala akong sakit samantalang meron mga tao, matanda at bata, na may mga sakit, at maaring mamatay; may mga taong walang makain sa araw na ito, at maaring walang makakain sa mga darating pang mga araw; may mga taong iniwan ng kanilang mga asawa, o tatay o nanay, o ng iba nilang mahal sa buhay; may mga taong walang trabaho; at may mga tao na walang kalayaan o katahimikan sa kanilang mga kinalalagyan...
oo nga at marami akong dapat pasalamatan sa buhay ko, pero paano ang mga kapwa ko na walang mapapasalamatang biyaya sa araw na ito...paano ako magiging masaya sa araw na ito samantalang may mga kapwa ako na hindi magawa ang magsaya ng tulad ng puede kong magawa dahil sa kakulangan sa biyaya na dala dala nila hindi lang sa araw na ito kundi sa mga darating pang mga araw...
marami na raw ang mga nag-a-abang para makabili ng mga paninda na mabibili sa mababang halaga kinabukasan samantalang marami din ang tao na ni walang pambili ng kahit na ano....ngayon, bukas, sa kamakalawa, o kung kailan pa....
kaya siguro, sa araw na ito, kung wala man akong magagawa para ma-i-bsan ang kalungkutan o matugunan ang mga pang-nga-nga-i-langan ng mga kapwa tao ko na walang dahilan para maging masaya sa araw na ito kasi wala silang makitang biyaya na dapat nilang pasalamatan sa mga dahilan nabanggit ko na, siguro, ang dapat ko na lang gawin ay maki-isa ko sa kanilang mga dinadanas, at magdasal ako na sana gumanda naman ang kanilang mga kalagayan,,,na yong mga may sakit ay gumaling; yong mga na-ula ay mabu-o uli ang mga pamilya; na yong mga walang trabaho ay makakita ng pagkakakitaan na marangal; na yong mga walang makain ay makahanap ng kaka-inin sa araw na ito at sa mga araw pang darating; na humaba pa ang buhay ng mga tao; na ang tao ay maging malaya at sana magkaroon ng katahimikan sa lahat ng dako ng mundo...
magdasal ako na sana kung ano man ang pang-nga-nga-ilangan ng tao, ay matugunan kahit man lang sa araw na ito...
pagpalain nawa sila ng Poong Maykapal.... sa araw na ito, at lalo na sa mga darating pang mga araw... tulad sa pagpapala na ginagawa Niya para sa akin, sa inyo, at sa mas marami pang iba na may maraming biyaya na dapat pasalamatan sa araw na ito... sana, magkaroon sila ng mga biyaya na kadalasan ay nakakalimutan na ng iba na meron sila....
May God bless us all, especially those who have so little, or nothing at all, to be thankful for this day...May God bless us all today, and for thre rest of our days....We thank God not only for our blessings, but even more for the blessings that the less fortunate will be receiving from Him today and the days to come....
and let us not forget to thank the Indians who helped the pilgrims survive after their arrival on this great land of immigrants...which led to the celebration of the first thanksgiving day in this country...that is the very essence of thanksgiving day; that is the event we are commemorating today....i think....
again, thank you for greetings....
No comments:
Post a Comment