Saturday, November 26, 2011

"istorya ng buhay mo sinulat mo Wilson, jan 10,2011, lyrics/melody by lolo bomboy

"istorya ng buhay mo, sinulat mo Wilson", jan 10,2011, lyrics/melody by lolo bomboy

by Lolo Bomboy on 13 जनवरी 2011 Thursday at 15:40.

"istorya ng buhay mo, sinulat mo Wilson," jan 10,2011, lyrics/melody by lolo bomboy..."walang matigas na bato sa iyo, sa sipag mo ay naihugis mo ito, naging tunay na ginto ito para sa'yo, simula ng maganganda buhay mo...."
sana ang istorya ......na nakasulat sa kantang ito ay maging inspirasyon sa lahat ng mga naguukit ng marble sa romblon... ito ang istorya ng buhay ng kaibigang kong si wilson...natapos niya ang high school sa romblon dahil sa pagiging marmolista ...nya sa li-o...

"istorya ng buhay mo, sinulat mo Wilson", jan 10,2011, lyrics/melody by lolo bomboy

lyrics:
walang bato na matigas sa iyo
sa sipag mo ay naihugis mo ito
naging tunay na ginto ito para sa'yo
...simula ng magandang buhay mo

may iba dyan marurunong talaga
di nakarating sa naabot ng iyong paa
ikaw ang nagsulat sariling mong istorya
naiilarawan mo pa ito sa tula at kanta

trabaho bilang gwardiya napasok mo na
hanggang sa maynila naging pulis ka
kinilala ka't nabigyan ka ng mga medalya
malaking patunay na dinakila ka nga nila

di naglaon sa malayong dagat ka nagtrabaho
pinakita mo kung gaano kalakas ng dibdib mo
lamig at bigat nito ay kinaya kaya mong totoo
para makamit mo lang buhay na minimithi mo

yan ang tatak ng isang tunay na pilipino
walang trabahong mabigat o mahirap sa yo
basta't naisip mong gawin tuloy na tuloy ito
alam na alam mo ang landas na tinatahak mo

ikaw ang arketikto ng plano ng buhay mo
nasunod mong lahat ang mga nakasulat dito
napakagandang istorya ang naisa buhay mo
ngayo'y naka ugit sa tula, kanta at nobela mo

chorus:

pag-aaral mo sa romblon ay tinapos mo
dahil sa sinabak mo mabigat na trabaho
ganoon din ang ginawa mo doon sa kolehiyo
tinapos mo ito sa pagpapatulo ng pawis mo

karapadapat kang makatanggap ng parangal
kasi sa lahat ay nagbibigay ka ng gintong aral
kayang abutin ng sino man mga pangarap sa buhay
ang magandang bukas ay nasa kanilang mga kamay


note: yong kaibigan ko sa paggawa ng marble nakatapos ng high school sa romblon... sana ang mga gumagawa ng marble ngayon sa romblon ay makamit din ang tagumpay na naabot ni wilson...mabuhay kayong lahat na mga marble artists ng romblon...

•Rhs Classfiftyeight ‎"walang bato na matigas sa iyo, sa sipag mo ay naihugis mo ito, naging tunay na ginto ito para sa'yo, simula ng magandang buhay mo...." ist stanza ng kantang "istorya ng buhay mo, isinulat mo Wilson", jan 10,2011, lyrics/melody by lolo bomboy....dedicated ang kantang ito sa lahat ng mga marble artists ng romblon... mabuhay kayong lahat... sana maabot nyo din ang tagumpay ng isang dating marmolista din sa li-o, romblon, ang kaibigan ni lolo bomboy na si Wilson...

LikeUnlike · Comment · Share
.रोचामिUnlike · ·Unfollow PostFollow Post · Share · Delete
Hildegarde Madeja likes this..

Lolo Bomboy maayo kay nagkaigwa marble festival sa romblon...naging mas relevant ining aton kanta wilson...kag tama gid ang tiempo ng pagkasulat ng ini... salamat gid na damo kay ging taw-an mo ako ning idiya para sa isa nga kanta nga igwa inspirasyon... na matao sa damo pa nga mga marmolista sa romblon...didto busa sa kanta ko nga "romblon, romblon, my home sweet home", april 2010, ang hinambay ko lang sa pagukit ng marble hay ini:..."and the marble hearts we carved from stones and polished to shine, we gave them all away to friends to remember us by...." maisot nga bagay lang ang akon nahuman sa marble...niyang iba na gid ang inda ginaukit...kag sa bloke na gid ng marble ang ginaukit ninda....dagkuan na na mga statua ini...bukon na basta "marble hearts..." lang...See More13 जनवरी at 16:26 · रोचामिUnlike.Wilson Berano Thank you so much Lolo Bomboy..You are an awesome friends I know.13 जनवरी at 21:12 · रोचामिUnlike.Lolo Bomboy mas dako gani ang akon utang na loob sa imo...kay dahil sa sipi na tula mo nakasulat ako una nga kanta ko sa romblomanon...nyan nadugangan pa...tapos nakapabibigay pa tayo ng inspirasyon sa mga marmolista sa romblon dahil sa success story mo na dyan sa marmol nagsimula..tapos kantang sulat mo kinakanta mo...kaya nakagawa ako ng isang awit ko tungkol dito...thank you...14 जनवरी at 01:57 · रोचामिUnlike.Hildegarde Madeja igwa na ako picture ng sipi kaso basi kong buwas ko pa upload hehe:) good afternoon po!17 जनवरी at 23:44 · रोचामिUnlike.Lolo Bomboy ‎@Hildegarde, salamat gid sa imo... siempre excited ako makita ulit ang SIPI....

Thursday, November 24, 2011

happy thanksgiving day, Nov 24, 2011....mga naiisip ni lolo bomboy

happy thanksgiving
Thursday, November 24, 2011; 3:31 PM

maraming salamat sa iyong pagbati...

kanina noong magising ako at nanonood ng spanish tv at sinasabi nila doon yong mga bagay na dapat nating pasalamatan sa ating buhay...sabi nila dapat daw pasalamatan natin ang ating mga biyaya: ang mabuting kalagayan ng kalusugan, na wala tayong sakit; na meron tayong mga pamilya, mga magulang, asawa o anak, mga kamag-anak; o tayo ay may trabaho; may nakakakain sa araw araw; na tayo ay buhay pa; na nabubuhay tayo sa isang bansang malaya at tahimik, at marami pang iba mga biyaya....

oo nga, dapat tayong magalak na nasa atin ang lahat o karamihan ng mga biyayang ito....

pero naisip ko, paano ako matutuwa na meron ako ng mga biyayang ito samantalang meron mga taong wala ng mga ito....paano ako magsassaya na wala akong sakit samantalang meron mga tao, matanda at bata, na may mga sakit, at maaring mamatay; may mga taong walang makain sa araw na ito, at maaring walang makakain sa mga darating pang mga araw; may mga taong iniwan ng kanilang mga asawa, o tatay o nanay, o ng iba nilang mahal sa buhay; may mga taong walang trabaho; at may mga tao na walang kalayaan o katahimikan sa kanilang mga kinalalagyan...

oo nga at marami akong dapat pasalamatan sa buhay ko, pero paano ang mga kapwa ko na walang mapapasalamatang biyaya sa araw na ito...paano ako magiging masaya sa araw na ito samantalang may mga kapwa ako na hindi magawa ang magsaya ng tulad ng puede kong magawa dahil sa kakulangan sa biyaya na dala dala nila hindi lang sa araw na ito kundi sa mga darating pang mga araw...

marami na raw ang mga nag-a-abang para makabili ng mga paninda na mabibili sa mababang halaga kinabukasan samantalang marami din ang tao na ni walang pambili ng kahit na ano....ngayon, bukas, sa kamakalawa, o kung kailan pa....

kaya siguro, sa araw na ito, kung wala man akong magagawa para ma-i-bsan ang kalungkutan o matugunan ang mga pang-nga-nga-i-langan ng mga kapwa tao ko na walang dahilan para maging masaya sa araw na ito kasi wala silang makitang biyaya na dapat nilang pasalamatan sa mga dahilan nabanggit ko na, siguro, ang dapat ko na lang gawin ay maki-isa ko sa kanilang mga dinadanas, at magdasal ako na sana gumanda naman ang kanilang mga kalagayan,,,na yong mga may sakit ay gumaling; yong mga na-ula ay mabu-o uli ang mga pamilya; na yong mga walang trabaho ay makakita ng pagkakakitaan na marangal; na yong mga walang makain ay makahanap ng kaka-inin sa araw na ito at sa mga araw pang darating; na humaba pa ang buhay ng mga tao; na ang tao ay maging malaya at sana magkaroon ng katahimikan sa lahat ng dako ng mundo...

magdasal ako na sana kung ano man ang pang-nga-nga-ilangan ng tao, ay matugunan kahit man lang sa araw na ito...

pagpalain nawa sila ng Poong Maykapal.... sa araw na ito, at lalo na sa mga darating pang mga araw... tulad sa pagpapala na ginagawa Niya para sa akin, sa inyo, at sa mas marami pang iba na may maraming biyaya na dapat pasalamatan sa araw na ito... sana, magkaroon sila ng mga biyaya na kadalasan ay nakakalimutan na ng iba na meron sila....

May God bless us all, especially those who have so little, or nothing at all, to be thankful for this day...May God bless us all today, and for thre rest of our days....We thank God not only for our blessings, but even more for the blessings that the less fortunate will be receiving from Him today and the days to come....

and let us not forget to thank the Indians who helped the pilgrims survive after their arrival on this great land of immigrants...which led to the celebration of the first thanksgiving day in this country...that is the very essence of thanksgiving day; that is the event we are commemorating today....i think....

again, thank you for greetings....

Monday, November 21, 2011

ika'y inibig ko, sa piling mo ay lumigaya....

ang paraan ko (My Way sa pagkaintindi ni lolo bomboy sa tagalog)

Tuesday, October 25, 2011 at 2:25pm.

My Way lyrics

Songwriters: Revaux, Jacques; Anka, Paul (Eng Lyr); Thibaut, Gilles; Francois, Claude;

And now= ngayong
the end is near= malapit nang
And so I face= maisulat ko
the final curtain = kwento ng buhay
My friends = sana'y
I'll say it clear = mabanggit ko
I'll state my case = mga yugtong
of which I'm certain = sadyang makulay

I've lived = aking
a life that's full = nalampasan
I traveled each= natiis ko
and every highway = maraming bagay
And more,=buhay
much more than this = nahubog ko
I did it my way = sa paraan ko

Regrets = sisi'y
I've had a few = dinanas ko
But then again too few to mention= dahil ako ay nahirapan
I did what I had to do= lahat ng ninais ko'y
And saw it through= sinubok ko
without exemption= ng buong tapang

I planned= puso'y
each charted course= sinunod ko
Each careful step=bawat hakbang
along the byway= hanggang sa dulo
And more,=ayon
much more than this= na rin ito
I did it my way = sa paraan ko

Yes there were times= may panahong
I'm sure you knew= nalaman mo
When I bit off= di ko kayang
more than I could chew= gawin ang lahat
But through it all= kaya naman
when there was doubt= walang duda
I ate it up = natikman ko
and spit it out,= ang masaktan
I faced it all= hinarap ko
And I stood tall= lahat ito
and did it my way= sa paraan ko

I've loved,= i-ka'y
I've laughed and cried=inibig ko
I've had my fill,= sa piling mo
my share of losing= ay lumigaya
And now= ngayong
as tears subside= walang luha
I find it all= kita ko na
so amusing= ang pag-asa

To think= lahat
I did all that= sa buhay ko
And may I say = ay utang ko
not in a shy way=sa'yo giliw ko
Oh no,= O-o,
oh no, not me= para sa'yo
I did it my way = ang nagawa ko

For what is a man= sino ba ako
what has he got= kung di sa'yo
If not himself= galing sa'yo
then he has not=ang lakas ko
To say the things= para aking
he truly feels= ipaglaban
And not the words=ang gusto kong
of one who kneels= maramdaman
The record shows = dahil sa'yo
I took the blows= nakita ko
And did it my way= ang paraan ko

repeat:
ika'y inibig ko,
sa piling mo ay lumigaya,
ngayong walang luha,
kita ko na ang pag-asa,
lahat sa buhay ko,
ay utang ko, sa'yo giliw ko,
o-o para sa'yo,
ang nagawa ko...

sino ba ako, kundi sa'yo,
galing sa'yo, ang lakas ko,
para aking ipaglaban,
ang gusto kong maramdaman,
dahil sa'yo,
nakita ko,
ang paraan ko...

dahil sa'yo, nakita ko
ang paraan ko....

note: birthday song ko para sa tita babes mo...
thank you...